Generation

Libreng panonood sa ‘Sine Sinta’

KAHIT tapos na ang Valentine’s Day, tuloy pa rin ang pagpapakilig sa mga Pilipino.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Feb-ibig at sining, walong pelikula ang libreng mapapanood sa 2024 edition ng “Sine Sinta: Pag-ibig at Pelikula” ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Mga klasik at makabagong romance movies na tiyak na magpapakilig at magpapaiyak sa mga manunuod.

Isa na rito ang “One More Chance” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, gumanap bilang pamosong Popoy at Basha, na sinubok ang pagsasama habang pilit na inaasam ang ambisyon ng bawat isa. 

Ipalalabas din sa contemporary romance movies ang romantic comedy film nina Alessandra De Rossi at Empoy Marquez na “Kita Kita,” “Love You to the Stars and Back” nina Joshua Garcia at Julia Barretto, “Isa Pa with Feelings” nina Maine Mendoza at Carlo Aquino, “I’m Drunk, I Love You” nina Maja Salvador at Paulo Avelino, at “That Thing Called Tadhana” nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Dalawa sa classic films na ipalalabas ng FDCP ang 1939 musical romance movie na “Giliw Ko” at ang 1996 romantic film na “Radio Romance.”

Ang mga pelikulang ito ay ipalalabas sa mga piling sinehan sa bansa mula sa Biyernes, February 16 hanggang February 23, 2024.

Narito ang screening schedule ng walong pelikula:

One More Chance

February 16: TriNoma Cinema 6, at 4:30 p.m.

February 21: Cinematheque Centres in Manila, Nabunturan, Davao, Iloilo, Negros, at 6 p.m.

Kita Kita

February 18: MET, at 2 p.m.

Giliw Ko

February 17: Cinematheque Centres in Manila, Nabunturan, Davao, Iloilo, Negros, at 1 p.m.

Radio Romance

February 20: Cinematheque Centres in Manila, Nabunturan, Davao, Iloilo, Negros, at 6 p.m.

Love You to the Stars and Back

February 22:  Cinematheque Centre Manila, at 4 p.m.

Isa Pa with Feelings

February 22:  Cinematheque Centre Manila, at 6 p.m.

I’m Drunk, I Love You

February 23: Cinematheque Centre Manila, at 1 p.m.

That Thing Called Tadhana

February 23: Cinematheque Centre Manila, at 3:30 p.m.

Inorganisa ng FDCP ang “Sine Sinta: Pag-ibig at Pelikula” sa pakikipagtulungan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), the Metropolitan Theater (MET), Ayala Malls Cinemas, and TriNoma. Suportado rin ito ng ABS-CBN, Sagip Pelikula, Star Cinema, Cinema One, LVN Pictures Inc., TBA Studios, VIVA Films, JuanFlix: The FDCP Channel, at ng FDCP Cinematheque Centres.

Madaragdagan pa ang mga palabas na kabilang sa “Sine Sinta: Pag-ibig at Pelikula” sa mga susunod na araw.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

#BotoNgKabataan2025: Does Celebrity Endorsement Win Gen Z Votes?

WITH only a few days until the 2025 National and Local Elections (NLE) in the…

20 hours ago

The Silence Amidst a Cheering Crowd

To have your name called or to be even included. Wouldn’t it be nice to…

20 hours ago

Leo XIV, first US pope, to celebrate first mass as pontiff

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will celebrate mass Friday, the day after becoming…

21 hours ago

‘Stop, You’re Losing Me:’ Decoding Taylor Swift’s Heartbreak Anthem

THE pulse slowly fades. The connection that was once shared is losing. As it happens,…

22 hours ago

The People’s Pontiff? Meet Pope Leo XIV

ROBERT Francis Prevost’s name was nowhere near the list of frontrunners and favorites when articles…

22 hours ago

Senators, salaries, and standards: What voters should know before May 12

VOTERS prepare as campaign jingles flood our streets and screens, and the countdown to the…

22 hours ago