Generation

Korean stars Sandara Park, Jung Il-woo, bumisita sa Bohol

MAY panibagong adventure na naman sa Pilipinas ang K-pop star na si Sandara Park para sa kanyang “Dara Tour” vlog, kung saan iniimbitahan niya ang kanyang mga kaibigan mula sa Korean entertainment industry.

At sa pinakabagong episode ng kanyang travel vlog, kasama ni Sandara ang kanyang longtime friend na si South Korean actor Jung Il-woo para bisitahin ang Bohol.

Isa ang Bohol sa dinarayong lugar sa Central Visayas region dahil sa tourist destinations dito, kabilang na ang sikat na Chocolate Hills na isang UNESCO World Heritage site.

Nitong Lunes, June 3, nag-post sa social media ang dating miyembro ng K-pop girl group na 2NE1 nang ilang litrato niya kasama si Il-woo sa airport at habang sakay ng eroplano.

Makikita rin sa post na may bitbit si Sandara na puting banderitas na may nakasulat na, “It’s more fun with Dara Tour.”

Sabi pa ni Sandara sa caption, “Is it possible to travel alone with a male friend?!”

Nagbahagi rin ang South Korean actor sa kanyang Instagram page ng ilang litrato nila ni Dara na nasa Bohol. Ayon kay Il-woo, ito ang unang beses niyang makabisita sa bansa at “excited” aniya siya sa kanyang Philippine trip.

Nagbahagi rin nang videos ang ilang netizens sa X (dating Twiiter) nang makita nila ang dalawang K-pop stars sa Panglao International airport kahapon, kung saan sinalubong sila ng mga lokal at isang banda.

Ipinakilala pa ni Sandara ang kultura ng mga Pilipino kay Il-woo nang turuan niya itong sumayaw ng tradisyunal folk dance na Tinikling.

Spotted din ang dalawa na nagsu-shooting sa Alona Beach sa Panglao, Bohol.

Hindi pa available sa ngayon ang latest episode ng “Dara Tour” vlog ni Sandara, na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

#

Bago ito, nag-guest si Sandara sa YouTube channel ni Il-woo noong 2021, kung saan ipinagluto siya ng aktor ng beef kaldereta at sinigang.

Naging magkatrabaho rin ang dalawa sa 2009 period drama na “The Return of Iljimae.”

Bumida si Il-woo sa ilang kilalang Korean dramas tulad ng “My Fair Lady,” “Moon Embracing the Sun,” at “Cinderella with Four Knights.”

Recent PH trip

Bago si Il-woo, dinala na rin ni Sandara Park ang kanyang kaibigan at dating 2NE1 fellow member na si Minzy sa Pilipinas para sa kanyang “Dara Tour” vlog.

Nitong nakaraang buwan, bumisita ang K-pop idols sa Pagsanjan Falls sa Laguna, kung saan sila nag-bamboo rafting habang ine-explore ang sikat na waterfalls.

Sinama rin ni Sandara si Minzy sa dati niyang eskwelahan sa Pasay City kung saan siya nag-aral mula 1996 hanggang 2004. Naging emosyonal ang “Festival” singer nang sorpresahin siya ng kanyang grade 6 adviser, at binalikan nila ang mga alaala ng K-pop star noong siya’y estudyante pa lamang.

Bago mag-debut bilang miyembro ng 2NE1 si Sandara, nakipagsapalaran muna siya sa Philippine show business nang mag-audition siya sa talent search television program na Star Circle Quest. Tinagurian si Sandara bilang “Pambansang Krung Krung” ng bansa.

Ilang pelikulang Pilipino at teleserye rin ang pinagbidahan ni Sandara, bago siya tumungong South Korea noong 2007.

Follow republicasia on FacebookTwitter, and Instagram to get the latest.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

VNL Women’s Action to Thrill Cebu Fans in 2026 and 2027

THE VOLLEYBALL action in the Philippines continues, and there are no plans to stop, given…

1 hour ago

Electing a new pope: glossary of key terms

Vatican City, Holy See: Cardinals will take part in a conclave in the Vatican's Sistine…

2 hours ago

Miss U Organization strips Thailand’s Opal of her 3rd runner-up title

THAI beauty queen Suchata “Opal” Chuangsri no longer holds the Miss Universe 2024 third runner-up…

4 hours ago

Pope’s trusty ‘Camerlengo’ to run Vatican in wake of Francis’s death

Vatican City, Holy See: With Pope Francis's death, the immediate running of the Vatican is…

4 hours ago

UPLB: The campus that chose me

EVERYONE dreams of UP Diliman.  It’s the image planted in our minds when we talk…

5 hours ago

#BotoNgKabataan2025: A step-by-step guide to find your precinct number for Eleksyon 2025

FINDING your precinct number for the 2025 mid-year elections has been made easier. The Commission…

5 hours ago