Generation

Kim Chiu, nasungkit ang Outstanding Asian Star award sa Korea

LABIS ang pasasalamat at saya ni “It’s Showtime” host Kim Chiu matapos siyang pangalanan bilang Outstanding Asian Star ng Seoul International Drama Awards (SDA) 2024.

Ibinahagi ng 34-year-old actress ang invitation letter sa kanya ng SDA para sa awarding ceremony na gaganapin sa Setyembre sa Yeouido KBS Hall sa Seoul.

Nasungkit niya ang parangal para sa kanyang pagganap sa karakter ni Juliana Lualhati sa teleseryeng “Linlang,” na pinagbidahan din nina Paulo Avelino at JM de Guzman. 

“I got the news today! I am lost for words… beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening,” ani Chiu.

Pinasalamatan niya ang award-giving body, Dreamscape Entertainment, at ang kanyang supporters para sa pagmamahal, suporta, oras, at effort na ibinigay nila para sa kanya.

“My heart is full!!! Maraming maraming salamat po!” pahayag ni Chiu.

“Korea, here I come! Sa SOUTH ha? hihi,” biro pa niya.

Samantala, ipinagdiwang ng “It’s Showtime” family ng aktres ang kanyang panalo. Binigyan din siya nito ng bulaklak.

“Si Juliana makakapunta na ng Korea akalain mo ‘yon? Kulot-kulot lang siya dito pero rarampa siya,” pahayag ng aktres.

Naging emosyonal si Chiu nang pasalamatan niya ang mga taong sumuporta sa kanya, lalong lalo na ang namayapang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.

“Isa sa pinaka pinasasalamatan ko tsaka naiiyak talaga ako and na-miss ko talaga yung nagbigay sa’kin ng opportunity maging si Juliana, si Sir Deo,” sabi ni Chiu.

Naniniwala naman ang ibang “It’s Showtime” co-hosts na “proud” si Endrinal kay Chiu.

Isa na ngayon si Chiu sa mga Pilipinong nakasungkit ng Outstanding Asian Star award mula sa SDA, kasunod nina Dennis Trillo (2016), Gabby Concepcion (2017), Alden Richards (2019), Dingdong Dantes (2020), Belle Mariano (2022), at Kathryn Bernardo (2023).

Sino si Kim Chiu

Nagsimulang sumikat si Chiu noong manalo siya sa unang teen edition ng sikat na reality television show na “Pinoy Big Brother (PBB).

Ngayon, kilala na siya bilang “Chinita Princess” at “Multimedia Idol” na may dose-dosenang teleserye at pelikula.

Huli siyang bumida sa Pinoy adaptation ng sikat na Korean drama na “What’s Wrong with Secretary Kim,” kung saan nakatambal niya muli si Avelino. 

Bukod sa “It’s Showtime,” parte rin ngayon si Chiu ng Sunday musical variety show na “ASAP Natin ‘To” at “PBB Gen 11” bilang host.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

#BotoNgKabataan2025: Does Celebrity Endorsement Win Gen Z Votes?

WITH only a few days until the 2025 National and Local Elections (NLE) in the…

12 hours ago

The Silence Amidst a Cheering Crowd

To have your name called or to be even included. Wouldn’t it be nice to…

13 hours ago

Leo XIV, first US pope, to celebrate first mass as pontiff

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will celebrate mass Friday, the day after becoming…

13 hours ago

‘Stop, You’re Losing Me:’ Decoding Taylor Swift’s Heartbreak Anthem

THE pulse slowly fades. The connection that was once shared is losing. As it happens,…

14 hours ago

The People’s Pontiff? Meet Pope Leo XIV

ROBERT Francis Prevost’s name was nowhere near the list of frontrunners and favorites when articles…

14 hours ago

Senators, salaries, and standards: What voters should know before May 12

VOTERS prepare as campaign jingles flood our streets and screens, and the countdown to the…

14 hours ago