Photo courtesy: @rkive | Instagram
IKINATUWA ng ARMYs, o fans ng K-pop powerhouse na BTS, ang muling pagsasama-sama ng kanilang pitong idolo matapos ma-discharge ni Jin mula sa kanyang military service.
Nagbahagi ang leader at rapper ng BTS na si RM ng kanilang group photo sa Instagram nitong Sabado, June 15. Makikita rin sa post ni RM ang litrato niya habang yakap ang pinakamatanda nilang miyembro na nakasuot ng military uniform at may hawak na bulaklak.
Nag-live rin si Jin sa Weverse app para batiin ang kanilang fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ayon sa mga ulat, higit 900,000 na indibidwal ang nanuod ng unang live ni Jin matapos ang kanyang military service.
Nag-post din sa X (dating Twitter) ang BTS ng group photo kung saan nag-live broadcast si Jin.
Nitong June 12 nagtapos ang 18-month mandatory military service ni Jin. Siya ang unang BTS member na na-discharge mula sa South Korean military.
Base sa ilang litrato at videos na kuha ng international media outlets, sinalubong si Jin ng kanyang bandmates na sina RM, J-Hope, Jung Kook, V, at Jimin mula sa military base sa Yeoncheon, South Korea.
May bitbit pang saxophone si RM para tugtugin ang kanilang hit song na “Dynamite” nang salubungin nila si Jin. Nagyakapan din ang ilang BTS members nang magsama-sama muli sila sa military base.
Kasalukuyang nasa military pa ang anim na BTS members na sina Suga, RM, J-Hope, Jimin, V, at Jung Kook.
Nakatakdang silang makumpleto bilang isang grupo sa 2025, pagkatapos nilang ma-discharge lahat mula sa military.
Nitong June 13 ipinagdiwang ng Grammy-nominated K-pop boy group ang ika-11 anibersaryo ng kanilang debut.
Taong 2013 nang mag-debut ang BTS sa ilalim ng BigHit Music nang ilabas nila ang kanilang album na “2 Cool 4 Skool.”
Pinangunahan ni Jin ang pagdiriwang ng kanilang debut anniversary kasama ang ARMYs sa 2024 BTS Festa sa Jamsil Sports Complex sa Seoul, kung saan personal niyang binati ang fans sa pamamagitan ng pagyakap sa kanila.
Nasa isang libong ARMYs ang nabigyan ng pagkakataon na mayakap si Jin sa pamamagitan ng raffle. Isa na rito ang 26-year-old na Pinay na si Dianne Aguilar.
Sa Facebook, nagbahagi si Aguilar ng compilation video ng kanyang one-for-the-books moment kasama si Jin.
“Welcome home, Jin!!!! HAPPY FESTA,” saad niya sa caption.
Bukod kay Jin, may handog ding regalo ang vocalist at pinakabatang BTS member na si Jung Kook para sa ARMYs sa kanilang debut anniversary. Naglabas siya ng bagong kanta na “Never Let Go” bilang pasasalamat ng K-pop star para sa pagmamahal na ibinibigay ng kanilang fans.
Sa Weverse app, nagpasalamat si Jin sa ARMYs at ilang miyembro ng media na sumalubong sa kanyang paglabas mula sa military.
Nagpasalamat din siya sa ilang fans na pumunta sa harap ng kanilang kompanya para i-welcome siya.
Sa videos at pictures na kumalat sa social media, makikita ang ilang fans na dumagsa sa labas ng HYBE building para masilayan ang K-pop superstars.
May mga pulis, firetruck, at ambulansya ring nakapwesto sa labas ng HYBE building.
“I couldn’t give my proper greetings in case it would get too chaotic but I’m so so thankful,” ayon sa English translation ng Weverse post ni Jin sa ulat ng Koreaboo.
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…
SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…
ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…
THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…
Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…
FILIPINOS will soon know the full results of the 2025 National and Local Elections (NLE),…