Generation

Irha Mel Alfeche ng Matanao, Davao del Sur, nasungkit ang Miss PH Earth 2024 crown

INUWI ng beauty queen na si Irha Mel Alfeche sa Matanao, Davao del Sur ang Miss Philippines Earth crown matapos niya manalo sa katatapos lang na coronation night ng national beauty pageant.

Ginanap ang grand coronation nitong Sabado, May 11, sa Talakag, Bukidnon kung saan tinalo ni Alfeche ang 28 na iba pang kandidatang mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Kinoronahan siya ni Miss Philippines Earth 2023 at Miss Earth–Air 2023 na si Yllana Marie Aduana.

Sa finals night, bumunot isa-isa ang Top 10 candidates ng topic o hashtag mula sa isang basket at binigyan ng 30 segundo para ibahagi ang kani-kanilang opinyon tungkol dito. Iba’t ibang pangalan ng probinsya sa bansa ang nilalaman ng basket.

Nabunot ni Alfeche ang Iligan City na tinaguriang “City of Majestic Waterfalls” dahil sa dami ng talon na matatagpuan sa lugar tulad na lang ng Maria Cristina Falls, Tinago Falls, Limunsudan Falls, at Mimbalut Falls.

Para sa special needs education graduate, dapat ay mas ipakilala pa ang Iligan City sa mga turista.

Photo courtesy: Sceenshot from Miss Philippines-Earth’s YouTube video

“By the help of Miss Philippines Earth organization, Iligan City must [be] put in the map of the Philippines, because there are a lot of tourist spots that [are] must-visit, especially their majestic waterfalls,” ani Alfeche.

“We, the candidates, experience a lot of things there. These [are] the things that we must inform others that Iligan can offer more to the tourists,” dagdag niya.

Sa final round, ibinahagi ng Top 5 finalists ang kanilang natutunan mula sa kanilang Miss Philippines Earth journey na maibabahagi nila sa mga kabataan.

Bilang isang educator, binigyang-diin ni Alfeche ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga kabataan na i-”preserve” at i-”conserve” ang ating kalikasan.

“As an aspirant Miss Philippines Earth, we, or I will be a role model in protecting our Mother Earth. Always remember, if we work hand in hand together, we can create an environment for our better future,” saad ng beauty queen.

Si Alfeche ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Earth 2024 pageant na gaganapin sa Vietnam. Sa kasalukyan, may apat na Miss Earth crowns na ang bansa na napanalunan nina Karla Henry noong 2008, Jamie Herrell noong 2014, Angelia Ong noong 2015, at ni Karen Ibasco noong 2017.

Kinokonsidera ang Miss Earth pageant bilang isa sa apat na major pageants, kasama ng Miss World, Miss International, at Miss Universe. Ginaganap kada taon ang Miss Earth pageant para isulong ang environmental awareness.

Si Drita Ziri ng Albania ang reigning Miss Earth 2023.

Elemental court

Pinangalanan din sa grand coronation ang mga kandidatang bubuo sa elemental court ni Alfeche. Sila ay sina:

Miss Philippines-Air 2024: Feliz Clareianne Thea Solomon Recentes ng Sindangan, Zamboanga del Norte

Miss Philippines-Water 2024: Samantha Dana Bug-os ng Baco, Oriental Mindoro

Miss Philippines-Fire 2024: Kia Labiano ng Titay, Zamboanga Sibugay

Miss Philippines-Ecotourism 2024: Ira Patricia Malaluan ng Batangas City

Kinoronahan din sila ng kani-kanilang predecessors na sina Miss Philippines-Air 2023 Kerri Ann Reilly, Miss Philippines-Water 2023 Jemimah Joy Zabala, Miss Philippines-Fire 2023 Sha’uri Livori, at Miss Philippines-Ecotourism 2023 Athena Claire Auxillo.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

#BotoNgKabataan2025: Does Celebrity Endorsement Win Gen Z Votes?

WITH only a few days until the 2025 National and Local Elections (NLE) in the…

14 hours ago

The Silence Amidst a Cheering Crowd

To have your name called or to be even included. Wouldn’t it be nice to…

14 hours ago

Leo XIV, first US pope, to celebrate first mass as pontiff

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will celebrate mass Friday, the day after becoming…

15 hours ago

‘Stop, You’re Losing Me:’ Decoding Taylor Swift’s Heartbreak Anthem

THE pulse slowly fades. The connection that was once shared is losing. As it happens,…

16 hours ago

The People’s Pontiff? Meet Pope Leo XIV

ROBERT Francis Prevost’s name was nowhere near the list of frontrunners and favorites when articles…

16 hours ago

Senators, salaries, and standards: What voters should know before May 12

VOTERS prepare as campaign jingles flood our streets and screens, and the countdown to the…

16 hours ago