Generation

Gilas Pilipinas susungkitin ang ikalawang panalo kontra Chinese Taipei

MAKAKAHARAP ng Gilas Pilipinas ang matatag na Chinese Taipei squad ngayong gabi sa PhilSports Arena, na mayroong mithiin na matapos ang unang window ng FIBA Asia Qualifiers 2025 sa paraan ng pagkapanalo.

Ang Chinese Taipei ay galing sa isang matinding pagkatalo noong nakaharap nito ang New Zealand na kung saan nakadikit sila halos sa buong parte ng laro noong Huwebes. 

Ngunit nakalayo ang Tall Blacks pagdating sa fourth quarter, kung saan kumana ito ng 23-8 run na pinangunahan ni Ethan Rusbatch, dating PBA import, at Tom Vodanovich upang makuha ang 89-69 na panalo.

Samantala, ang Gilas Pilipinas naman ay galing sa isang nakamamanghang pagkapanalo nang tambakan nito ang Hong Kong, 94-64, matapos ang kanilang bumubulusok na third quarter run.

Ngunit binalaan ni Gilas Pilipinas head coach Tin Cone ang national team players na huwag maging kampante kontra Chinese Taipei.

“We heard that Taiwan gave New Zealand a real battle today so they’re going to be a team to reckon with when we come Sunday,” ayon kay Cone. “We need to play a lot, lot better than we did tonight.”

“I’ve been hearing around that we’re such heavy favorites against Taiwan but watching their video, wow! This team is really strong. They got good size, they shoot really well,” ayon kay Gilas head coach.

“They (Taiwanese) play with a lot of speed and pace, so we’ll have to figure out ways to slow them so we can use our height advantage,” idinagdag ni Cone, habang ipinapaliwanag kung paano nila maaaring lamangan ang kalaban.

Subalit, malaking salik ang chemistry na mayroon ang mga Taiwanese. Nabanggit din ni Cone na isa ito sa maaaring maging pagkakaiba ng dalawang koponan, sapagkat kulang sa paghahanda ang Gilas Pilipinas.

“They’ve been together for a long time. They played in the Jones Cup against Rain or Shine. They played in the Asian Games, and they finished fourth, losing to China in the knockout game,” idinagdag niya.

Inaanyayahan naman ni Cone ang mga Pilipino na suportahan ang Gilas Pilipinas, at magsilbing “boost” para higit na ganahang maglaro ang mga national team players.

Ang laro ay magsisimula ng 7:30 p.m. Ang mga manonood ng laban ay hinihikayat na magsuot ng asul bilang pakikiisa sa mga manlalaro ng Gilas Pilipinas.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Huge crowds flock to Vatican for Pope Francis’s funeral

Vatican City, Holy See: Tens of thousands of mourners flooded into St Peter's Square on…

3 hours ago

T’Wolves hold off Lakers despite James, Magic and Bucks win

Los Angeles, United States: The Minnesota Timberwolves turned it up late to beat the Los…

3 hours ago

Pope Francis’s funeral: who’s attending?

Vatican City, Holy See: World leaders will be in Rome on Saturday for Pope Francis's…

5 hours ago

Fantasy of the Tough Guy: Why Filipinos Elect Action Stars

IT is now a running joke that the next milestone to a has-been action star’s…

7 hours ago

Marawi students are next beneficiaries of ‘Pay IT Forward’ advocacy

EARLIER this month, the RepublicAsia team distributed tablets and Starlink units to several Filipino students…

24 hours ago

Honoring Gold and Glory: PHLPost Issues 2024 Olympics Stamps

THE Philippine Postal Corporation (PHLPost) has issued a set of special edition stamps honoring the…

1 day ago