Generation

Gerald Anderson, suportado ang JoshLia movie reunion

EXCITED na ang fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa muling pagtatambal ng dating magkasintahan sa isang pelikula. Isa rin sa nag-aabang sa comeback movie ng dalawa ang nobyo ng aktres na si Gerald Anderson.

Nagpahayag siya ng suporta para sa forthcoming project ng dalawa sa panayan sa kanya ng Cinema One.

“It’s exciting para sa mga fans nila, syempre ‘di ba? I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama, but I’d been in that situation, alam ko na marami silang mapapasaya na fans nila,” sabi ni Anderson.

Dagdag pa niya, “They are both great actors, so alam natin na magiging quality yung ipapalabas nilang proyekto.”

Inanunsyo ang pagsasama muli nina Garcia at Barretto sa pelikulang “UN/HAPPY FOR YOU,” kolaborasyon ng Star Cinema at VIVA Films sa direksyon ni Petersen Vargas, kilala sa kanyang mga pelikulang “An Inconvenient Love”  nina Belle Mariano at Donny Pangilinan at “A Very Good Girl” nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Una nang nagpahayag ng excitement sina Garcia at Barretto para sa kanilang bagong pelikula, sa kabila ng kanilang romance history. Isa sa mga popular love teams ang dating reel-to-real lovers na “JoshLia” na nagtapos ang relasyon noong 2019.

Sa press conference, ibinahagi ni Garcia na kaagad siyang pumayag na makatrabaho muli ang dating nobya dahil matagal na rin naman nang huli silang magtambal sa proyekto.

“Teenager pa kami n’un. Ngayon, you can say na nag-mature at lumaki na kami. Ang exciting na nag-kanya-kanyang journey kami and magkakabalikan kami sa pelikula,” ani Garcia.

Sinabi naman ni Barretto na may ilang beses din silang sinubukang pagtambalin sa isang proyekto, pero ang “UN/HAPPY FOR YOU” lang ang matutuloy.

Wala pang premiere date ang pelikula pero ngayong taon ito ipalalabas.

About ‘UN/HAPPY FOR YOU’

Iikot ang kwento ng “UN/HAPPY FOR YOU” sa dating magkasintahan na gagampanan nina Barretto at Garcia.

Sa look test na pinost ng Star Cinema, makikitang nagkakomprontasyon ang karakter nina Barretto at Garcia nang muli silang magkita matapos ang kanilang hiwalayan.

“So, wala ka talagang balak mag-sorry, noh?” sabi ni Garcia.

Sagot ni Barretto, “Bakit? Magma-matter pa ba yung apology ko sa’yo ngayon?”

Ang “UN/HAPPY FOR YOU” ang unang pelikula nina Garcia at Barretto, apat na taon matapos ang kanilang thriller film na “Block Z.” Kabilang din sa mga pelikulang pinagbidahan ng JoshLia ang “Vince, Kath, and James,” “Love You to the Stars and Back,” “Unexpectedly Yours,” at “I Love You, Hater.”

May magkahiwalay ding pagbibidahang series ang dalawa. Si Barretto ay cast member ng six-episode series na “Secret Ingredient” kasama sina “XO, Kitty” star Lee Sang-heon at Indonesian actor at film producer na si Nicholas Saputra.

Samantala, bibida si Garcia sa Pinoy remake ng sikat na South Korean drama na “It’s Okay to Not Be Okay,” kasama sina Anne Curtis at Carlo Aquino.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Who won and lost? Showbiz personalities that run in the 2025 midterm elections

DURING the 2025 midterm elections, a number of showbiz personalities had taken their chance to…

1 hour ago

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

18 hours ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

19 hours ago

Suarez-Navarrete Fight May End Without a Winner

ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…

19 hours ago

Winning senators proclaimed by weekend, says Comelec

THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…

19 hours ago

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…

24 hours ago