NGAYONG bakasyon, naranasan ng bansa ang kakaibang level ng temperatura.
Kadalasan nga ay nasa danger zone na ang ilang lugar, pati na rin ang Metro Manila, dahil sa napaka init na panahon ngayong taon.
Climate change, sabi nga nila, ang posibleng rason sa ganitong uri ng init. Kung iisipin, iba ang init ngayong bakasyon. Kadalasan nga ay pumapalo ng halos 50 degrees Celsius ang heat index ng iba’t ibang lugar.
Maraming paaralan din ang nasuspinde ng klase dahil sa init, na dati nga ay nagsususpend lang dahil sa malakas na hangin at walang sawang pag-ulan na dala ng bagyo.
Dahil dito, ang kadalasang solusyon sa init ay manatili lamang sa loob ng bahay. Ang pananatili sa bahay ay maaaring maging simula sa pagkain ng hindi wastong dami, na pwedeng magresulta sa pagtaba.
Nababawasan rin ang ating pagkilos, kaya naman mas marami ang naiipon taba sa ating katawan. Ngunit kung iisipin, ligtas nga bang magworkout ngayong ganito ang level ng init sa ating bansa?
Ang pag-eexercise ngayong tag-init, lalo na sa ating bansa, ay maaaring magdulot ng opportunity at risk.
Masasabi natin na beneficial sa kalusugan ang pag woworkout, ngunit kailangan masiguro muna kung kakayanin ng katawan ang nakakapagod na kilos, dala ng init.
Unang una, ang init ay maaaring mag-enhance sa cardiovascular fitness dahil sa pagtaas ng heart rate at circulation na maaaring makatulong sa endurance ng isang tao.
Bukod pa rito, ang pagpapawis ay nakakatulong din sa detoxification ng katawan, at sa kalusugan ng ating mga balat.
Ngunit, ang pag ehersisyo rin habang ganito kalala ang init ay maaaring maging mapanganib. Dehydration, heat exhaustion, at pwede ring heatstroke ang kalaban ng katawan kapag hindi tama ang ginawa.
Sa kasalukuyang pag-aaral, 32 degrees Celsius ang simula ng danger zone para sa ating katawan. At sa mga nakalipas na araw, puma palo hanggang 50 degrees Celsius ang init, at kung saan pagdating palang ng 40 degrees, pwede ka ng ma-heatstroke.
Maaaring tingin mo ay sapat na ang tubig na iniinom mo araw-araw. Ngunit kapag ikaw ay mag-woworkout, mahalagang uminom ng maraming tubig bago, habang, at pagkatapos mag-workout. Higit na mas mabuti kung ikaw ay maging bloated na lamang, kaysa kulang sa tubig ang katawan.
Kung plano na magworkout ngayong summer season, mas mabuting mag-indoor training na lamang. Ang direktang tama ng araw sa katawan ay hindi makabubuti, dala ng ideyang mas mainit ng 15 degrees kapag tuktok ito.
Maisipan man na mag-outdoor workout, mas mabuting iksian lamang ito, at huwag magtagal sa labas upang makaiwas sa anumang komplikasyon.
Madalas sa atin ay para tayong nanlalata o nanlalambot dala ng init. Talamak din ang ubo at sipon dahil sa init-lamig na nararanasan natin tuwing tayo ay naglalabas pasok sa isang lugar na malamig, patungo sa lansangan.
Mabuti pang huwag na lamang ipilit na magworkout kung hindi kaya ng katawan, kaysa ilagay ito sa peligro ng heat sickness na maaaring mauwi sa pagkamatay. Laging tandaan, mayroon pang susunod na araw para bumawi.
Kung kayo ay nagtataka, oo, laging mainit ang “init” na mayroon ngayon para mag-workout. Kaya naman wag ipilit na mag-workout sa labas, at mas piliin alternatibong workouts na pwedeng gawin sa bahay.
Vatican City, Holy See: The Catholic cardinals gathered ahead of the conclave to elect a…
FOLLOWING Pope Francis' passing on April 21, 2025, many devoted Catholics, particularly in the Philippines,…
FILIPINO users of streaming giant Netflix will have to pay higher subscription fees starting June,…
SMOKE has not yet risen, but in the days that will follow, something inside the…
FOR the first time, K-pop idols S.Coups of boy group SEVENTEEN and Lisa of BLACKPINK…
CAPITALISM’S most brutal metaphor is back for the final round. Netflix has finally dropped the…