Generation

Fuiyoh!: Lumpia Queen, pinatikim ng Filipino snacks si Uncle Roger

NAPA-“FUIYOH!” na nga lang si Nigel Ng, o mas kilala bilang “Uncle Roger,” matapos ipatikim sa kanya ang ilang paboritong Pinoy snacks ni Abi “Lumpia Queen” Marquez. 

Natupad na ang isa sa inaabangang collaboration ng fans nang ilabas ni Uncle Roger ang isang video kasama si Lumpia Queen.

Sa video na naka-collab post sa accounts ng dalawang food content creators, sinubukan ng Malaysian comedian ang ilang kilalang snacks na dala ng Pinay para sa kanya.

Si Uncle Roger nga ay napa-“fuiyoh!”–expression niya tuwing nasasarapan– nang matikman niya ang moron, mangga (pero hindi kasama ang sawsawan), at Oishi Ribbed Cracklings.

Hindi rin pinalagpas ni Uncle Roger ang ube polvoron, at tinanong si “Niece Abi” kung ube ba ang kanyang pipiliin o si Filipino pride Manny “Pacman” Pacquiao. Ube ang pinili ni Lumpia Queen, sabay biro ni Ng na si Pacquiao nga raw ay “past his prime anyway”, sabay pabiro ring umalis sa frame si Abi. 

Bawi naman agad ni Uncle Roger, na malamang daw ay ma-cancel siya ng Filipino fans. Pero ikinatuwa lang ito ng fans.

Screenshot from: @mrnigelng | Instagram

Ayon nga sa ilang netizens na nag-comment, malabo raw na ma-cancel ang food enthusiast dahil ipinagtanggol niya ang adobo, ang paboritong ulam ng mga Pinoy.

“You wouldn’t get canceled, Uncle Roger. You (are) already a Filipino Uncle by just defending our traditional Adobo,” sabi ng isang fan sa comments section.

Matatandaang na-stress si Uncle Roger sa pagluto ng adobo ng food content creator na si Rachael Ray, at gumawa ng version niya ng tamang recipe at kung paano ito lutuin.

Inulan naman ng papuri si Marquez sa mga collab niya sa mga sikat na food vlogger mula sa ibang bansa. Sabi nila, patuloy sanang itaas ni Lumpia Queen ang bandila ng bansa.

“OMG! Grabe ka ABI! You keep on gifting us with amazing collabs! FUIYOOOH!” sabi ng isang netizen na tuwang-tuwa na nakasama niya ang sikat na si Uncle Roger.

Kamakailan lang, napabilang ang Webbys winner at James Beard award nominee na si Marquez sa Forbes Asia 30 Under 30 list.

Kinikilala ng Forbes Asia ang mga artist, content creators, at entrepreneurs na may malaking impact sa kani-kanilang larangan.

Mapapa-“fuiyoh!” ka na lang talaga sa husay at dedikasyon ni Lumpia Queen, sa pagtatampok ng masasarap na pagkaing Pinoy na ipinapakilala sa iba’t ibang sulok ng mundo. 

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Nine killed as driver plows into Filipino festival crowd in Vancouver

Vancouver, Canada: A driver killed at least nine people when he plowed a vehicle through…

1 hour ago

Jiggly Caliente dies at 44

RuPaul’s Drag Race PH Jiggly Caliente has passed away at the age of 44.  Caliente’s…

3 hours ago

iACADEMY Launches Trailblazing Digital Media Management Program

IN TODAY’S digital age, the media landscape has evolved tremendously, from traditional platforms to the…

8 hours ago

Continuity or rupture: what direction for the next pope?

Continuity or rupture: what direction for the next pope? Paris, France: For years, traditionalists raged…

9 hours ago

Ayuda ban enforced from May 2 to May 12 – Comelec

WITH the #BotoNgKabataan2025 just around the corner with the election month of May just a…

10 hours ago

Abuse scandals, disunity and diplomacy the new pope’s challenges

Vatican City, Holy See: Pope Francis's successor will face a litany of challenges, from the…

10 hours ago