Generation

‘Finding Sheena’: Pagbalik sa nawawalang BINI standee, may reward

MAY REWARD si Star Magic Laurenti Dyogi sa sinumang makapagbabalik ng nawawalang standee ni BINI member Sheena mula pa noong National BINI Day.

Trending ngayon sa social media ang salitang “Finding Sheena” at hashtag na “Sheena Hanap Hanap Kita” matapos umapela ni Dyogi sa publiko na ibalik ang life-sized standee ni Sheena na naka-display sa One Ayala Mall sa Makati, kung saan ginanap ang “BINI hour” ng nation’s girl group.

Ginanap ang “BINI Hour” sa pagdiriwang ng ikatlong annibersayo ng BINI nitong June 11. Dito nakasama ng walong miyembro ng girl group na sina Jhoanna, Gwen, Stacey, Maloi, Colet, Mikha, Aiah at Sheena ang kanilang fans, o mas kilala bilang BLOOMs.

Pero sa videos at litratong kumalat sa social media, makikita kung paano itinakas ng isang indibidwal ang standee ni Sheena mula sa lobby ng venue para sa “BINI Hour.” Bitbit ng isang babae ang naturang standee habang nagmamadaling bumababa sa escalator.

Dahil dito, naglunsad sina Dyogi ng “Finding Sheena” campaign para hanapin ang standee.

“Nabalitaan namin na—I hope hindi siya BLOOM, pero malamang sa malamang eh BLOOM itong taong ‘to dahil nandun sa BINI Hour—na medyo po tumangay sa isa nating standee,” pahayag ni Dyogi.

Ikinalungkot aniya nila ang pagkuha sa standee ni Sheena dahil una sa lahat, hindi magandang kumuha ng gamit na hindi nila pag-aari.

“At the same time, very important din ito sa amin. Very important not only figuratively because kailangan kumpleto sila, but because it happened on the anniversary day of BINI,” dagdag ni Dyogi.

Binigyang-diin din ni Dyogi na mahalagang makumpleto ito para magkaroon din ng oportunidad ang ibang fans na makapagpa-picture sa walong standees ng BINI members.

Bilang kapalit, may “surprise award” kung sinuman ang makapagbabalik ng standee ni Sheena, ani Dyogi.

“Sa mga darating na panahon, magkakaroon ng special reward kung sinuman ang makakapagbalik sa amin ng standee ni Sheena. Kailangan po hindi kayo ang kumuha non ha?” sabi ng Star Magic head.

Humingi rin si Dyogi ng tulong sa iba pang BLOOMs para matunton ang nawawalang standee.

Nag-comment naman dito si Sheena at sinabing, “[Hindi] ko inakala na dadating sa point na gagawan ng video ni Direk Lauren yung nawawalang standee ko… guys I made it.”

Memes

Naglabasan sa social media ang samu’t saring memes tungkol sa “Finding Sheena” campaign ng Kapamilya network.

May ilang BLOOMs ang nagbahagi ng nakakatawa nilang edits ng litrato ni Sheena na nakapatong sa mukha ng sikat na clownfish na si Nemo sa pelikulang “Finding Nemo.”

May entry din ang isang netizen na in-edit ang litrato ng ibang BINI members na namimigay sa Binondo ng flyers kung saan naka-imprenta ang larawan ni Sheena at may nakasulat na “Missing: BINI Sheena Standee.”

Naging katatawanan man ito para sa ilang fans, may mga netizen pa rin na nagpaalala sa BLOOMs na hindi magandang gawain ang pagkuha sa isang bagay na walang permiso.

Milestones

Sunod-sunod ang tinatamasang tagumpay ngayong taon ng BINI, kabilang na ang kanilang record-breaking na mga kanta. 

Nitong Linggo, ibinalita ng Star Music na gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang “first Filipino act” na nanguna sa Daily Top Artists Philippines chart ng digital music platform na Spotify. Pinalitan ng grupo sa number one spot si American singer-songwriter Taylor Swift.

Nakatakdang ganapin ang unang concert ng BINI sa June 28 hanggang 30 sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Bago ito, magkakaroon ang girl group ng fun run sa Quirino Grandstand sa Maynila sa Linggo, June 23.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Pope offers to mediate between world leaders to end wars

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV on Wednesday offered to mediate between leaders of…

10 mins ago

Mister Pilipinas Worldwide: Pageant Kings on Men in Pageantry, Mental Health

When you hear the word "pageant," chances are you picture evening gowns, tiaras, and sparkling…

2 hours ago

UAAP: NU Out to Cement Back-to-Back Title Dreams

THE National University (NU) Lady Bulldogs will meet the De La Salle University (DLSU) Lady…

2 hours ago

Crown Talk: A Q&A with the Miss Universe PH Queens

EVER wondered what really defines beauty for our Miss Universe Philippines queens? Spoiler alert: it’s…

4 hours ago

‘I like Bite Me:’ Ahtisa Manalo recalls viral photo at ENHYPEN’s PH concert

IT has been a mystery for Filipino ENGENEs, or fans of K-pop boy group ENHYPEN,…

4 hours ago

New Generation Leads: Gen Z Mayor Elected in Rizal, Cagayan

Trigger Warning: Mention of Violence  NEW GENERATION leaders are now entering the political arena, with…

7 hours ago