fbpx

Estudyanteng TikToker na-bash dahil sa panggugulo ng klase

by Bryan Gadingan

SA PANAHON na nagkalat ang mga social media influencers at TikTok content creators sa bawat sulok ng bansa, hindi na mabilang ang mga videos mula sa iba’t ibang personalidad online.

Ang mga content creators na ito, paminsan, ay handang gawin ang kahit anong bagay makapaglabas o makagawa lamang ng content para sa kanilang mga social media accounts.

Ngunit dala ng pagdami ng mga content creators sa kahit anong lugar, higit na nagiging mas mailap din o mas hinihiling ng isang indibidwal na magkaroon ng personal space at hindi maisama sa mga videos na ito.

@nathanportez

DISHWASHING LIQUID

♬ original sound – Nathan Portez

Nitong linggo lamang, naging usap-usapan online ang isang kilalang TikToker na sikat sa pagiging “OA” (overacting) at nag-trending matapos itong gumawa ng video sa loob ng De La Salle University (DLSU). 

Ang kinaharap niyang kritisismo ay dahil nga raw “disruptive behavior” ang kanyang ipinakita sa video na kuha mula sa kanilang classroom, kaya naman naging debate kung dapat bang may privacy consent na rin ngayong digital era.

Nagsimula ang kontrobersiya noong nag-trending ang dalawang anonymous post sa DLSU Freedom Wall, isang group/page kung saan malayang naglalabas ng hinaing o saloobin ang mga estudyante.

Screenshot from: DLSU Freedom Wall | Facebook

Ayon sa unang post na nai-label bilang #DLSUFreedomWall78375, binigyang diin ng anonymous poster ang kakulangan ng TikToker sa paghingi ng consent sa kanila at hiling din niya na ihinto nito ang paggawa ng content sa klase.

Ika nga ng poster, gusto lamang nilang pumasok sa klase ng mapayapa at hindi magulo ang kanilang pag-aaral dahil lamang kailangan gumawa ng content ng TikToker na ito.

Sinundan naman ito ng isa pang mas agresibong anonymous post na may label na #DLSUFreedomWall78457. Siya raw ay magfifile na ng report sa Student Discipline Formation Office (SDFO) kung hindi pa rin hihinto ang TikToker at kung hindi niya idedelete ang video.

Screenshot from: DLSU Freedom Wall | Facebook

Bukod sa mga classmates o estudyanteng hindi natutuwa sa paggawa niya ng content sa classroom, marami ring netizens ang naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa isyu na ito.

“Nakakainis tong mga ganitong papansin. Like kelangan pati time na nagkaklase nagvlog?” tanong ng isang netizen sa X (dating Twitter), tungkol sa inaarte ng TikToker na ito.

Marami pang netizens ang naglabas ng inis sa naturang TikToker. Ang iba nga ay tinawag itong “papansin” dahil hindi naman daw ito nakakatawa, habang ang iba naman ay nagtatanong kung bakit ito pinapayagan ng propesor na gumawa ng content sa klase.

“I’ve always wondered how his classmates feel about him lol. Pansin ko kasi sa vids nya na they are not entertained or like they don’t want to participate in it,” sabi ng isang netizen sa X.

Ang ganitong isyu ay nararapat lamang na maging seryosong usapin, lalo na’t tayo’y nasa digital era na. Bukod pa rito, mayroon ding batas na maaaring sumailalim sa ganitong isyu.

Matatandaan din na ang Data Privacy Act of 2012 ng Pilipinas ay inuutusan ang bawat mamamayan na humingi ng consent bago mag-video at respetuhin ang privacy ng bawat isa.

Ang mga unibersidad ay maaaring naglalayon na maipasok ang digital landscape sa pang araw-araw na setting, ngunit kailangan aralin mabuti ang bawat guidelines na kailangang ilagay dito. 

Ang isyu na ito sa DLSU ay nagsisilbing paalala sa mga content creators na magbigay respeto sa privacy ng bawat indibidwal, at makaugalian ang tamang paghingi ng consent bago gumawa ng video.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.