IBINUNYAG ng entertainment host at manager na si Ogie Diaz na sinubukang pormahan ng aktor na si Donny Pangilian ang aktres na si Kathryn Bernardo.
Sa kaniyang vlog nitong Martes (April 16), imbes na pangalanan ni Ogie Diaz ang aktor na si Donny Pangilinan.
Pinag-usapan sa vlog ni Ogie Diaz ang pag-alok umani ni Donny Pangilinan ng inumin si Kathryn Bernardo sa reception ng kasal ni Robi Domingo noong Enero. Ayon kay Donny Pangilinan, yun ay isa lamang “friendly act.”
“How true, patanong na lang kasi baka naman i-deny tayo—na minsan pala ay pinormahan nitong young actor si Kathryn? As in niligawan.” Sinabi ni Ogie Diaz sa video. “Dati na-viral pa ‘yon, na inaalok pa si Kathryn ng soft drinks kasi nakainom si Kathryn, pangpababa ng tama or something,” dagdag ni Ogie Diaz.
Ayon kay Diaz, wala na raw siyang detalye kung bakit naunsiyami ang panliligaw ni Donny sa aktres.
“Yung rason kung bakit naudlot, hindi ko alam. Baka naman nai-stop na lang talaga kasi wala rin namang magandang patutunguhan.”
Sabi pa ni Diaz, na kay Pangilinan na lamang iyon kung aaminin niya na minsang nagtangka siyang manligaw sa aktres.
Wala namang kumpirmasyon ang mga kampo nina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo sa rebelasyon ni Ogie Diaz.
ONCE again, another historical moment in the Vatican took place after a new pope was…
Los Angeles, United States: Donovan Mitchell scored 43 points to lead the Cleveland Cavaliers to…
WITH only a few days until the 2025 National and Local Elections (NLE) in the…
To have your name called or to be even included. Wouldn’t it be nice to…
Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will celebrate mass Friday, the day after becoming…
THE pulse slowly fades. The connection that was once shared is losing. As it happens,…