KAMAKAILAN lang nag trending ang isang post sa X (dating Twitter) mula sa isang netizen na kwinekwestyon ang pagdami ng honor students sa mga paaralan sa bansa, ngunit mababa pa rin ang ranking sa Program for International Student Assesment (PISA).
“It’s graduation season. Pero bakit parang lahat ng mga bata may honor at awards?” nagtatakang itinanong ng nasabing netizen sa kanyang social media account.
“Sorry hindi naman sa hindi masaya para sa kanila, pero naalala ko lang ang hirap mag-honor dati at pag may honor ka parang nakakabilib talaga. Musta naman yun 2/3 ng class may honor? Tapos kulelat tayo sa PISA?”
Depensa naman ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas sa panayam kasama ang ABS-CBN TeleRadyo Serbisyo, iba ang sukatan na pinagbabasehan sa PISA, upang malaman ang ranking ng isang bansa.
“Iba naman ang parameters na ginagamit ng PISA when it comes to determining the scores of the countries. Iba rin naman ang parameters ang ginagamit natin for the awards and recognition sa schools based on achievements.”
“So hindi natin pwede i-compare iyong results ng ating classroom performances with that of international large-scale assessments,” nilinaw ng DepEd Assistant Secretary, tungkol sa hindi tugmang pangyayari.
Bukod pa rito, idinagdag ni Bringas na tinanggal na ang dating awards na “valedictorian”, “salutatorian” at “honorary mentions”.
Ito ay tinanggal simula noong inimplimenta na ang K to 12. Ang mga awards na ito ay limitado lamang sa sampung estudyante sa loob ng isang klase o batch.
Sa kasalukuyan, kung umabot ang average grade ng isang mag-aaral sa 90 to 94, siya ay paparangalan ng “with honors” award, 95 to 97 naman sa “with high honors,” at 98 to 100 naman para sa “with highest honors”.
“Kapag mayroon tayong valedictorian at salutatorian, the learners are competing with other learners, but with the new grading system, or awards system you are competing with yourself and kung nami-meet mo ang standard then you will be recognized,” idinagdag ng opisyal.
“lyong ganitong awards system it really highly encourages our learners to strive. It is more inclusive dahil hindi na siya nagiging limited to just the top 10 in the class.”
Samantala, kahit pa hinihikayat ng panibagong grading system na magtuon ng pansin ang mga estudyante sa kanilang sariling pag-aaral, hiling parin ni Teachers Dignity Coalition (TDC) Chairperson Benjo Basas na ito ay aralin muli.
Para sa kanya, walang uniformity o solid standard ang kasalukuyang paraan ng pagbibigay grado. Napagtanto niya ito matapos humawak ng transferees na napag-iwanan sa pag-aaral, pero may magandang records sa dating schools.
“Ang ating mga teacher and even ang ating mga school ay binababa ang standard nila o di kaya ay nagbibigay ng kaunting konsiderasyon doon sa mga bata kasi syempre kapag iyong bata nakikita po na nagsisikap tapos parang deserving naman siya na ireward,” ibinahagi ni Basas.
“Ang grades ng bata hindi lang naman nanggagaling sa exam, hindi lang naman iyan galing sa paper and pencil test, mayroon din naman diyang subjective. Halimbawa, yong performance ng mga bata ay pagsusulat niya, iyong physical performance tula ng pag-arte, at iba pa.”
“Ang problema dito kada isang lokalidad, isang eskwelahan maaaring magiba iba. Nagba-vary po ang appreciation ng ating teacher,” ipinaliwanag ni Basas, bilang rason kung bakit dapat suriin muli ang grading system.
Maaaring epektibo para sa mental state ng mga kasalukuyang estudyante ang grading system, nararapat lang din suriin kung akma ba ito sa bawat estudyante sa bansa. Ito ay para masiguro na walang kahit isang estudyante ang napag-iiwanan.
THERE is something raw and powerful about Holy Week when you are in the process…
IN Filipino households, respect for authority seems to be a cornerstone of family life. From…
Vatican City, Holy See: A still-convalescing Pope Francis said Thursday he was doing "as best…
Beijing, China: While China's leaders use their economic and political might to fight Donald Trump's…
ANTIPOLO City: The traditional Alay Lakad to the International Shrine of Our Lady of Peace…
AT this point, many Filipinos are either enjoying slow days in their hometowns or exploring…