Photo Courtesy: NBA
MATAGUMPAY na tinapos ng Boston Celtics ang National Basketball Association (NBA) Finals kontra Dallas Mavericks at nasungkit ang ika-18 na titulo ng kanilang franchise, 106-88 ngayong Martes (Philippine time).
Noong Sabado, tinambakan ng Dallas ng 38 points ang Boston. Bumawi at hindi na hinayaang mabuhay pa ang kabilang koponan matapos tambakan din kaninang umaga.
Simula pa lang ng laro, umarangkada na agad ang koponan ni Jayson Tatum. Nagsimula ang first quarter na 9-2 agad ang score, dala ng magandang depensa na ipinamalas ng Celtics.
Nailapit naman ng Mavs ang laro mula sa 5-13 gap, at naibaba sa 15-17. Ngunit, ito na ang pinakamalapit na score na kanilang nagawa bago umalagwa ang kabilang koponan.
Mula dulong parte ng second quarter, lumayo na ang winningest NBA team at tinapos ang first half na may lamang na 21 points, 67-46, dala ng buzzer-beating half-court heave ni Payton Pritchard.
Hindi na muling nakadikit ang Mavs mula noon, at nasiguro na ng Eastern Conference team ang kanilang matamis na panalo.
Nagtala si Tatum ng muntikang triple-double na 31 points, 11 assists, at eight rebounds. Sinundan naman ito ng NBA Finals MVP na si Jaylen Brown na may 21 points, eight rebounds, at six assists.
Tinapos ni Jrue Holiday ang laro na may double-double statline na 15 points at 11 rebounds. Habang si Derrick White ay mayroong matibay na 14 points at eight rebounds.
Sa kabilang banda, si Luka Doncic lamang ang natatanging player ng Mavs na mayroong 20+ points. Nagtala siya nga 28 points, 12 rebounds, five assists, at three steals. Habang si Kyrie Irving ay may 15 points at nine assists.
Hindi matumbasan ang saya ni Tatum at ng kanyang koponan. Nang tanungin si Tatum kung ano ang kanyang nararamdaman matapos ang historical performance nila ngayong season, “Oh my God. It’s a surreal feeling. We did it. Oh my God, we did it!” sabi ni Tatum. “This is an incredible feeling. I’m lost for words. I’m sorry.”
Magmula nang ma-draft sa NBA si Tatum, naging matinding contender ang Boston Celtics sa Playoffs ng Eastern Conference. Pero ito pa lamang ang kanilang unang kampeonato.
Ilang beses ding nakatuntong ang Celtics sa Eastern Conference Finals at Semis, at umabot na rin sa NBA Finals noong 2022, ngunit natalo sa Golden State Warriors na pinangunahan ni Stephen Curry at Jordan Poole.
Doble naman ang saya para sa fans ng Boston dahil sila na rin ang nasa tuktok ng rankings ng mayroong pinakamaraming kampeonato sa liga, matapos makawala sa 17 titles tie kontra Los Angeles Lakers.
Mahalaga ang araw na ito sa Boston Celtics dahil bukod sa historical 18th championship, sa kaparehong araw noong 2008 din nila nasungkit ang kanilang ika-17 kampeonato.
Naging matagal man bago makapag-uwi ng kanilang unang titulo matapos ang 16-year drought, maganda ang hinaharap ng Boston dahil maaasahan ang kanilang young core group.
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
RuPaul’s Drag Race PH Jiggly Caliente has passed away at the age of 44. Caliente’s…
IN TODAY’S digital age, the media landscape has evolved tremendously, from traditional platforms to the…
Continuity or rupture: what direction for the next pope? Paris, France: For years, traditionalists raged…
WITH the #BotoNgKabataan2025 just around the corner with the election month of May just a…
Vatican City, Holy See: Pope Francis's successor will face a litany of challenges, from the…
Vatican City, Holy See: With Pope Francis laid to rest, all eyes turn now to…