asong may suot na pustiso
ANG mga aso ay may taglay na napakaraming kakulitan na nagbibigay-buhay at kulay araw-araw. Sa kanilang likas na pagkamalikhain at makulit na gawi, sila ay nagiging kapanapanabik na kasama sa ating mga tahanan.
Ang kakulitan ng mga aso ay makikita sa kanilang likas na pagkamalikhain sa paghahanap ng mga bagay na kanilang nakikita at nahahawakan.
Gaya na nga lang ng isang aso mula sa Chile na nag-trending sa social media matapos mabidyohan ng kanyang amo na suot-suot ang pustiso nito.
@furrytailsofficial Say cheese!! 🧀 🤣 🎥: Viralhog #furrytails #dog #dogsoftiktok #funny #dentures #sillypuppy #cheese #saycheese ♬ original sound – SpongeBob background music
Tila ba’y nakangisi ang naturang aso dahil na lamang sa suot niyang pustiso na pagmamay-ari pala ng lola. Tuwang tuwa rin ang amo sa bidyo, dahil swak na swak ito sa kanyang bibig.
Syempre, ang kulitan ng aso ay hindi lamang basta nagtatapos. Isinubo pa nito ang pustiso, ngunit hindi naman tuluyang nilunok ang pustiso.
At dahil dito, nagparaya naman ang lola at nagpagawa na lamang ng panibagong pustiso na kanyang gagamitin. Ang pustiso na suot ng aso, ay binigay na sa kanya bilang laruan na lamang.
Umani naman ito ng maraming reaksyon sa Facebook comment’s section dahil hindi mo nga naman makikita ang ganitong pangyayari araw-araw.
“This never happened with my grandmother’s dentures, but just the thought of it makes me laugh. She would have been livid and the rest of us would have been rolling on the floor,” sabi ng isang netizen.
Screenshot from: Furry Tails | TikTok
“I keep telling my husband. He leaves his around the house and he thinks our pup won’t be tempted. It’s coming!” dagdag naman ng isa pang netizen sa comment section, habang binabalaan ang kanyang asawa.
Mayroon pang ilang netizen na nagbahagi rin ng kanilang experience. Tulad ng lola na may-ari ng pustiso, sila rin ay nakaranas na makunan. Nakakatuwa nga raw ito, ngunit magastos.
“I’ve had my night guard stolen by my Keeshond. He was running around and chewing. 300.00 to get a replacement. Funny until the bill comes in,” ibinahagi ng isang netizen.
Samakatuwid, mahalaga na tandaan na ang kakulitan ng mga aso ay bahagi ng kanilang likas na katangian at ito ay nagbibigay sa atin ng mga sandali ng kasiyahan at pagtataka.
Sa kanilang simpleng kalikasan, sila ay nagdudulot sa atin ng mga alaala. Kaya naman hayaan lang natin itong magsaya, ngunit may kaakibat din na pagsaway upang hindi makagawian.
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
Rome, Italy: Pope Francis's open coffin began its procession to Saint Peter's Basilica on Wednesday,…
THE VOLLEYBALL action in the Philippines continues, and there are no plans to stop, given…
Vatican City, Holy See: Cardinals will take part in a conclave in the Vatican's Sistine…
THAI beauty queen Suchata “Opal” Chuangsri no longer holds the Miss Universe 2024 third runner-up…
Vatican City, Holy See: With Pope Francis's death, the immediate running of the Vatican is…
EVERYONE dreams of UP Diliman. It’s the image planted in our minds when we talk…