Photo courtesy: Metropolitan Museum of Manila | Facebook
CALLING all aspiring artists and art enthusiasts!
Bubuksan na ng Metropolitan Museum of Manila sa Taguig City ang art workshops para sa lahat ng edad na tatagal mula June 18 hanggang July 19, 2024, tuwing Martes hanggang Sabado.
Tatawagin itong “M Art Studio: Creative Summer Sessions” na may apat na iba’t ibang art classes: ang ‘Maker’s Studio, Foundations in Art’, ‘Sustainable Sculptures’, at ‘Art for Myself.’
Sa Maker’s Studio, ma-e-explore ng mga lalahok ang mahahalagang elemento ng sining tulad ng hugis, kulay, halaga, hubog, at tekstura.
Matututunan dito ang pagbuo ng mga konsepto at paglikha ng two-dimensional compositions gamit ang kanilang observational skills sa sining sa ‘Foundations in Art.’
Samantala, layon naman ng ‘Sustainable Sculptures’ na talakayin ang Sustainable Development Goals ng United Nations sa pamamagitan ng paggawa ng iskultura gamit ang sourced materials.
Sa ‘Art for Myself’ naman mahahasa ang talento ng mga dadalo sa pagguhit at pagpinta.
Tatagal ang bawat art class ng isang oras at kalahati. Magsisimula ang Maker’s Studio ng 10:00 a.m. hanggang 11:30 a.m., na susundan ng Foundations in Art ng 12:00 p.m. hanggang 1:30 p.m., Sustainable Sculptures mula 2:00 p.m. hanggang 3:30 p.m., at ng Art for Myself mula 4:00 p.m. hanggang 5:30 p.m.
Nagkakahalaga mula P1,200 hanggang P2,000 kada klase. Kasama na ang museum admission at mga materyales na gagamitin.
Maaari ring maiuwi ang obra o pansamantalang i-exhibit sa museo pagkatapos ng art program.
May certificate of attendance ang mga participant na nakadalo ng apat na art classes.
Taong 1976 nang itayo ang non-profit, contemporary art museum kung saan matatagpuan ang ilang local at international arts.
Dati itong matatagpuan sa Malate, Maynila, pero inilipat ito sa Bonifacio Global City sa Taguig noong 2022 at ngayon ay kilala na bilang “The M.”
art workshops
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
DURING the 2025 midterm elections, a number of showbiz personalities had taken their chance to…
Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…
SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…
ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…
THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…
Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…