Generation

Ang dapat malaman sa pagsumite ng COC

NAGPALABAS ang Commission on Elections (COMELEC) ng isang social media post kung saan nakalagay ang mga kinakailangan para magpasa ng Certificate of Candidacy (COC). 

Dito, isinulat nila na ang COC ay maipapasa pagkatapos mapa-notaryo at malagyan ng documentary stamp na nagkakahalagang PHP 30. 

“Dapat tiyakin ng aspirant na lahat ng item sa COC form ay nasagutan, sa harap at likod na mga pahina, at lagyan ng N.A. kung hindi naman naaangkop sa kanila,” ulat nila.

Mayroon din silang sinamang alituntunin sa kung saan at paano magpasa ng COC. Kung gusto mong tumakbo sa eleksyon sa 2025, dito ka magpapasa:

  1. Senador, Kinatawan ng Party-List: Law Department / sa anumang iba pang lugar na maaaring italaga ng Commission En Banc
  2. Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan para sa mga distritong pambatas sa National Capital Region (NCR): Office of the Regional Election Director (ORED), National Capital Region (NCR)
  3. Mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan para samga distritong pambatas sa mga lalawigan: Office of the Provincial Election Supervisor (OPES) ng kinauukulan
  4. Mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan para sa mga distritong pambatas sa mga lungsod sa labas ng NCR na binubuo ng isa o higit pang mga distritong pambatas: Office of the Election Officer (OEO) na kinauukulang itinalaga para sa layunin ng Regional Election Director (RED)
  5. Gobernador, Bise-Gobernador, Miyembro, Sangguniang Panlalawigan: Office of the Provincial Election Supervisor (OPES)
  6. Kinatawan ng Distrito sa Parliament ng BARMM: Bangsamoro Electoral Office (BEO) sa pamamagitan ng OPES
  7. Mayor, Bise-Mayor sa mga lungsod na may higit sa isang Election Officer (EO): Office of the Election Officer (OEO) ng kinauukulang distrito
  8. Miyembro, Sangguniang Panglungsod sa mga lungsod na may isang distritong pambatas lamang: Office of the Election Officer (OEO) ng kinauukulang lungsod
  9. Mayor ng Munisipyo, Bise-Mayor ng Munisipyo, Miyembro, Sangguniang Bayan: Office of the Election Officer (OEO) ng kinauukulang munisipalidad

Ayon sa COMELEC Resolution 11050, mayroong 18, 000 na posisyon na kailangang punuin sa 2025 na eleksyon. Itong mga posisyon na ito ay ang mga sumusunod:

  • Senador: 12
  • Mambabatas na kumakatawan sa mga distrito ng lehislatura: 254
  • Mambabatas na kumakatawan sa mga grupo ng party-list: 63
  • Gobernador: 82
  • Bise-gobernador: 82
  • Miyembro ng pambansang lupon: 800
  • Alkalde ng lungsod: 149
  • Bise-alkalde ng lungsod:149
  • Konsehal ng lungsod: 1, 682
  • Alkalde ng bayan: 1, 493
  • Bise-alkalde ng bayan: 1, 493
  • Konsehal ng bayan: 11, 948
  • Miyembro ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na kumakatawan sa mga rehiyonal na partido: 40
  • Miyembro ng BARMM na kumakatawan sa distritong parliamento: 32

Dapat din alalahanin na hindi pa kasama dito ang bagong palabas na resolusyon ng COMELEC na tataasan ang bilang ng konsehal sa bawa’t distrito ng Taguig. Mula sa walo ay magiging 12 na ito.

Ang pagsumite ng mga COC ay mula Oktubre 1 hanggang 8. Maaaring magpasa ng COC mula 8 AM hanggang 5 PM sa kahit saang parte ng Pilipinas maliban sa BARMM, kungsaan ang pagpasa ng COC ay mula Nobyembre 4 hanggang 9.

Ang mga party-list at mga nagnanais tumakbo bilang senador ay pwedeng mag-file ng COC sa COMELEC Law Department, na mahahanap sa Manila Hotel.

Ang listahan ng pangalan ng mga kandidato na lalabas sa balota ay makikita sa website ng COMELEC simula Oktubre 29.

How useful was this post?

Gaby Agbulos

Gaby Agbulos wants nothing more than to become a writer -- to be able to tell stories unheard of by the masses. She is currently majoring in Communication at the University of Santo Tomas, and after college, hopes to make an impact with the stories she writes, be it big or small.

Recent Posts

Why We Have to Vote, Even If It Feels Pointless

YESTERDAY, I found myself in the middle of a sweltering crowd at a bus station…

13 hours ago

EXCLUSIVE: Ahtisa Manalo to give ‘best fight ever’ in 74th Miss Universe

MISS Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo promises to give the Philippines “the best fight ever,”…

15 hours ago

Leo XIV to address faithful with St Peter’s prayer

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will lead the Regina Coeli prayer from the…

17 hours ago

T-Wolves grab 2-1 NBA playoff series lead as Celtics get key win

San Francisco, United States: Anthony Edwards scored 36 points and rallied the Minnesota Timberwolves for…

17 hours ago

From the Runway to the Newsroom: MUPH and MPW Visit RA

BEAUTY pageants have long been a cherished cultural tradition in the Philippines, combining glamor, grace,…

1 day ago

With papacy, Leo XIV inherits Vatican money troubles

Rome, Italy: Along with the spiritual leadership of the world's 1.4 billion Catholics, Pope Leo…

1 day ago