Generation

Andrea Brillantes, nagbihis bride sa fan meet ni Korean actor Kim Soo-hyun

NAKA-ALL white, may belo, at suot na singsing ang Gen Z actress na si Andrea Brillantes sa kanyang Instagram story nitong Sabado. 

Sa unang tingin, aakalain mong sa kasalan pupunta ang aktres. Pero sa sumunod na Instagram story, sa fan meet pala ni South Korean actor Kim Soo-hyun dumeretso si Brillantes.

Nasa Pilipinas si Kim nitong weekend para personal na makita ang Filipino fans sa kanyang “Eyes On You” fan meet sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Agaw-pansin ang outfit ni Brillantes na nagmistulang bride sa event. Nakasuot siya ng puting blazer, palda at veil, at may hawak pang bulaklak.

Photo courtesy: Screenshot from @blythe | Instagram

Bago ito, nag-post ang aktres ng kanyang mirror selfie kasama ang kanyang glam team at sinabing “big day.” Sumunod dito ang kapansin-pansing singsing sa kanyang kanang kamay na nakapatong sa palda.

Kaparehas pa nga niya ng kulay ng outfit ang “Queen of Tears” actor na nakasuot ng white suit.

Photo courtesy: Screenshot from @blythe | Instagram

“Hi hubby…HUBBY???” saad ni Brillantes sa caption na may wedding rings sticker.

Nagkaroon din ng ilang interactions sina Brillantes at Kim, kabilang na ang pagkaway sa kanya ng “It’s Okay to Not Be Okay” star.

Nag-flying kiss at nag-finger heart din sa kanya ang aktor.

Photo courtesy: Screenshot from @blythe | Instagram
Photo courtesy: Screenshot from @blythe | Instagram

“Yes po I do po,” wika ni Brillantes.

“What a night. We love you!!!” pahayag niya sa isa pang Instagram story.

Naging pakulo na ng Filipino fans ang pagsuot ng bridal outfit tuwing may concert o event ang kanilang paboritong South Korean artists. 

May ilan ding nagsusuot pa ng mga nakatutuwang costume para mapansin ng kanilang mga iniidolo.

‘Eyes on You’ fan meet

Iba’t ibang aktibidad din ang inihanda para kay Kim at sa kanyang fans sa “Eyes On You” fan meet nitong Sabado.

Una na rito ang pagharana ni Kim sa audience gamit ang kantang “Love You With All My Heart,” isa sa soundtracks sa “Queen of Tears” na orihinal na kinanta ni South Korean singer-songwriter Crush.

Hindi rin ligtas si Kim sa pagbanggit ng ilang Filipino slangs tulad ng “omsim” na ang ibig sabihin ay mismo, “eme lang” at “charot” na ang ibig sabihin ay biro lang.

May ilang maswerteng fans din ang nakalaro si Kim sa stage para sa relay game. Ang mga nanalo sa palaro ay nakatanggap ng kwintas mula sa aktor.

Tila naging “King of Tears” si Kim sa kanyang speech sa event. Paliwanag niya, naging emosyonal siya dahil nakikita niyang nakangiti ang fans.

May video tribute din ang Pinoy fans kung saan ipinahayag nila ang kanilang suporta’t pagmamahal sa aktor.

Bago matapos ang fan meet, sinabi ni Kim ang plano niyang bumalik muli sa bansa ngayong taon.

Nitong 2023, nasa Pilipinas ang South Korean actor para sa fan meet na inorganisa ng donut brand na kanyang ineendorso.

Bumida sa Kim sa ilang sikat na Korean dramas tulad ng “Moon Embracing the Sun,” “My Love from the Star,” “Dream High,” at “The Producers.”

Bukod sa kanyang talento sa pag-arte, kilala rin si Kim sa kanyang husay sa pagkanta ng soundtracks ng mga K-drama, kabilang na ang “Way Home” na ni-record niya para sa “Queen of Tears.”

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

LOOK: Local celebrities cast vote for #BotoNgKabataan2025

FILIPINOS continue to flock to their respective polling precincts to exercise their right to vote…

2 hours ago

Overvoting Complaints Flood Social Media on Election Day

REPORTS of overvoting have flooded social media as Filipinos cast their ballots on May 12,…

4 hours ago

TikTok to Top Charts: How short clips are creating long-term hits

THERE was a time when radio airplay and TV guestings were the ultimate markers of…

5 hours ago

A guide to find your precinct number this midterms election

THE COMMISSIONS ON ELECTIONS (COMELEC) made a website for voters to easily access their respective…

6 hours ago

Let the Voting Begin: #BotoNgKabataan2025 Commence

FINALLY, the long-awaited 2025 National and Local Elections (NLE), also known as the #BotoNgKabataan2025, began…

7 hours ago

Why We Have to Vote, Even If It Feels Pointless

YESTERDAY, I found myself in the middle of a sweltering crowd at a bus station…

23 hours ago