Generation

Alden Richards, Heart Evangelista, mag-collab kaya sa isang pelikula?

TAONG 2023 nang ibahagi ni Kapuso actor Alden Richards na siya ay sumabak na rin sa pagiging direktor at producer ng kanyang upcoming project. Nang tanungin kung sinong celebrity ang nais niyang idirek para sa isang pelikula, wala raw iba kundi ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.

Ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star ang kanyang willingness na makatrabaho si Evangelista sa isang proyekto sa panayam sa kanya ng GMA News Online nitong Lunes.

“I’ve never worked with Heart on any project,” sabi ni Richards. Naniniwala siya na magiging masaya kung madidirek at magiging co-stars sila ni Evangelista sa isang pelikula.

May plano na rin si Richards kung sakaling magkatrabaho sila. Ayon sa kanya, gusto niyang makita ang fashion icon sa isang karakter na iba sa nakasanayan ng aktres at sa glamorous image nito.

“There’s glitz and glam already. That’s her image, I wanna see her something out of her shell, something out of her comfort zone,” pahayag niya.

Noong October 2023 spotted si Evangelista sa movie night kasama si Richards para sa pelikulang “Five Breakups and a Romance” na pinagbibidahan ng 32-year-old actor at ng aktres na si Julia Montes.

Ang 2023 romance film ay ang first collaboration ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at MYRIAD Corporation na pagmamay-ari ni Richards.

Si Evangelista mismo ang nag-post ng mga litrato sa nasabing movie night, kung saan naroon din ang direktor ng pelikula na si Irene Villamor at GMA Vice President for Business Development Department III (Entertainment Group) Gigi Santiago Lara.

Nagpaabot ng pagbati ang fashion icon kay Richards para sa success ng kanyang pelikula na sinagot naman sa comment section ng aktor at tinanong si Evangelista, “Kelan tayo?”

Maraming fans din ang hopeful na makita ang dalawa sa isang proyekto.

Directorial debut

Noong nakaraang Nobyembre ibinahagi ng aktor ang kanyang upcoming movie kung saan hindi lamang siya bibida, kundi siya na rin ang magpo-produce at magdidirek.

Sabi ni Richards, ito ang kanyang first directorial job na matagal na niyang pinapangarap gawin, ayon sa panayam sa kanya ng “24 Oras Weekend.'”

Nag-post din siya ng ilang litrato ng kanyang directorial debut sa Instagram, kung saan makikita siyang nakatalikod habang nakatingin sa monitor at may suot na headphones. Sa isang litrato naman makikita ang tatlong folders na mababasa ang mga salitang “Producer Richard Faulkerson Jr. (tunay na pangalan ng aktor),” “Alden Richards as Alex Roman Director,” at “Mr. Alden Richards as Director.”

Batay sa mga ulat, “Out of Order” ang title ng directorial debut ni Richards na pagtatambalan niya at ng aktres na si Heaven Paralejo.

Nag-share rin ang aktor ng Instagram reel ng kanyang pagdidirek sa set. Nag-comment naman dito si Paralejo ng, “WOOO LETS GO DIREK!!”

Wala pang detalye kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang naturang pelikula.

EPOP attendance

Samantala, spotted din si Richards sa general assembly ng Entertainment Producers of the Philippines (EPOP) batay sa mga litrato na pinost sa social media ng Sparkle GMA Artist Center nitong Lunes.

Present din sa naturang event sina GMA Films’ President at GMA Network’s Senior Vice President Annette Gozon-Valdes at GMA Pictures’ Senior Vice President Nessa Valdellon.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

#BotoNgKabataan2025: Does Celebrity Endorsement Win Gen Z Votes?

WITH only a few days until the 2025 National and Local Elections (NLE) in the…

3 hours ago

The Silence Amidst a Cheering Crowd

To have your name called or to be even included. Wouldn’t it be nice to…

4 hours ago

Leo XIV, first US pope, to celebrate first mass as pontiff

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will celebrate mass Friday, the day after becoming…

4 hours ago

‘Stop, You’re Losing Me:’ Decoding Taylor Swift’s Heartbreak Anthem

THE pulse slowly fades. The connection that was once shared is losing. As it happens,…

5 hours ago

The People’s Pontiff? Meet Pope Leo XIV

ROBERT Francis Prevost’s name was nowhere near the list of frontrunners and favorites when articles…

5 hours ago

Senators, salaries, and standards: What voters should know before May 12

VOTERS prepare as campaign jingles flood our streets and screens, and the countdown to the…

5 hours ago