MAKALIPAS ang siento-bente sais na taon, nanaig ang mga Pilipino laban sa mga dayuhan na siyang patuloy na pinagpupuniyagung kalayaan magpasahanggang ngayon.
Taong 1898, Hunyo 12 nang maisakatuparan ng bansa ang kalayaan sa ilalim ng proklamasyon sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Cavite II el Viejo.
Sa paglipas ng panahon na taon-taong ginugunita ang araw ng kalayaan, buhay pa rin ba ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kalayaan, at sa pagwagayway ng watawat ng Pilipinas.
Photo Courtesy: Alexandra Mae Uy
Sa modernong panahon, marahil malaya na mula sa digmaan, siya namang pagpalit ng pananakop mula sa impluwensya ng teknolohiya, at dayuhang pamumuhay, kapansin-pansin ang magkahating paggunita ng mga Gen Z.
Sa kabila nito, nakatutuwang meron pa ring iilan na naglalaan ng oras na gunitain ang araw ng kalayaan sa pamamagitan ng pagbisita sa mga heritage at historical na lugar.
Kumpara sa mga taong nakakalimot at nais lamang ipagsawalang-kabuluhan ang espesyal na araw na ito. May mas hihigit pa ba sa isang araw na ‘holiday’?
Hulmang-kamay ng mga kababaihang sina Doña Marcela Agoncilla, Lorenza Agoncillo, and Josefina Habora Natividad, silang mabusising pinagtagpi-tagpi ang bawat tahi at burdang disenyo sa kauna-unahang watawat ng Pilipinas, silang naging malaking parte ng kasaysayan.
Nagmula sa tatlong bituin na sumisimbulo sa tatlong pangunahing isla sa arkipelago ng Pilipinas; Luzon sa itaas na bituin, Panay sa gitna, at Mandanao sa ibabang bituin.
Photo Courtesy: Palaisip Blogspot
Samantalang ang puting tatsulok na kalakip ng mga pagkinang nito ay siyang sumisimbulo sa pagkakapantay-pantay, kapatiran, at katipunan.
Sagisag ng araw na pumapagitna sa mga bituin, walong sinag na liwanag na kumakatawan sa walong lungsod na hindi nagpatinag na mag-alsa laban sa mga kastila. Ang mga lungsod na kinabibilangan ng Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas.
Ang asul na bahagi naman ay kumakatawan sa kalayaan, kapayapaan, at katarungan. Sa kabilang bahagi ay ang pula, na sumisimbolo sa kagitingan at pagkamakabayan. Ang dalawang kulay na ito ay marahil madaling mawari, at dahil hindi maaaring mapagbaliktad ang dalawang kulay na ito.
Ayon sa propesor ng social studies mula sa Pangasinan State University na si Kevin Conrad Ibasco, pangunahing dapat malaman ng Gen Z, tungkol sa pambansang watawat ang una “…’yung three stars ay hindi Luzon, Visayas, at Mindanao. Visayas is Panay. Ang tinutukoy kasi doon ay hindi ‘yung principal na group ng mga island kundi kung saan ‘yung mga lugar na sumiklab o ipinanganak ang himagsikan.”
Salungat sa karaniwang kaalaman, ang tatlong bituin sa pambansang watawat ng Pilipinas, sa katunayan, ay sumasagisag sa Luzon, Mindanao, at Panay na itinuturing na sentro ng pag-aalsa sa rehiyon ng Visayas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Nilinaw din ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa isang pampublikong dokumentong pinamagatang “Symbolisms/Meanings in the Philippine Flag” kung saan isinasaad ng Section 4 na “…the three stars, signifying the three principal Islands of this Archipelago – Luzon, Mindanao, and Panay where this revolutionary movement started.” (…ang tatlong bituin ay nangangahulugang Luzon, Panay, at Mindanao kung saan nagsimula ang rebolusyonaryong kilusan.)
Sa paglipas ng panahon ay nabago ang pagkakaunawa ng mga tao sa kahulugan ng tatlong bituin sa watawat.
Isa sa mga kinikilalang pangunahing dahilan nito ay mula sa pananaliksik ni Felipe Jocano, isang dalubhasa sa antropolohiya o siyentipikong pag-aaral sa mga tao, kultura, at wika.
Photo Courtesy: Timow’s Turf
Sa kanyang pananaliksik na pinamagatang “Sulod Society: A Study in the Kinship System and Social Organization of a Mountain People of Central Panay” taong 2009, ipinaliwanag ni Jocano na ang taguring “Bisaya” ay tumutukoy lamang sa mga mamamayan ng Panay at Romblon bago ang pananakop ng mga Espanyol.
Ang mga Cebuano naman ay tinatawag na Pinatados dahil sa kanilang mga tatu. Nagkaroon ng maling paniniwala noong panahon ng pananakop na ang iba’t ibang diyalekto ng mga Pilipino sa kapuluan ng Visayas ay hango lamang mula sa iisang wikang Bisaya, kung kaya’t ang Bisaya ay ginamit na kolektibong taguri pati sa mga taong nagsasalita ng Cebuano.
Kahalintulad ito sa naging maling pang-unawa na ang tatlong bituin sa watawat ay naging sagisag ng Luzon, Mindanao, at Visayas sa halip na Panay dahil naging kolektibo ang pagtingin ng tao sa kapuluan ng Visayas.
Malaking ambag ang paaralan upang magkaroon ng aral at iba pang impormasyon patungkol sa taunang pagugunita ng araw ng kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo.
Nang tanungin tungkol sa kanyang kaalaman sa pambansang watawat, para kay Jazalle, isang fourth-year college student, ang watawat ay hindi lamang “…isang bagay na nagrerepresenta sa bansang Pilipinas. I know a decent amount about the Philippine flag! It’s more than just three stars and a sun. For one thing, the design has some interesting history. The flag was actually inspired by the American flag, as a sign of gratitude for American help during the fight for independence from Spain.”
Nang tanungin naman kung ano ang kahalagahan ng pambansang watawat, ani Joshua, pagkakakilanlan ang kahulugan nito at “hindi tayo makikilala ng mundo kung wala ito.”
Para kay Jazalle, ito ay tanda ng pagkamakasaysayan, na nagsisilbing “…visual stories, condensing a nation’s essence into a single image. For me, it’s a way to understand different cultures and their values. The Philippine flag is a potent symbol that packs a big punch. It can be a visual representation of our history and values, with its design elements carrying specific meanings.”
Photo Courtesy: Marvin Cabalhin
Samantala, ayon naman kay Prof. Ibasco, kanya ring ibinahagi na ang walong sinag ng araw sa ating watawat ay ang mga unang probinsya na isinailalim ni Gov. Gen. Blanco sa martial law taong 1896, at ang kulay bughaw at mabaya ay inspirasyon sa bandila ng Amerika.
Ani Ibasco, “We should really encourage our students to attend flag ceremonies at ituro sa kanila yung nilalaman ng Flag Heraldic Code of the Philippines (RA 8491) sa usapin ng pagpapahalaga ng mga kabataan ngayon sa pambansang watawat.”
Itinuturo ng Flag Heraldic Code of the Philippines ang pagrespeto sa pambansang watawat ng Pilipinas at iba pang mga pambansang simbolo na kumakatawan sa bansa.
Binigyang diin pa ni Ibasco na ang kalayaan ay “simbolo ng ating kolektibong identidad bilang Pilipino, at sumasalamin ito sa katapangan natin na mag-resist sa kolonyalismo.”
Ang tagumpay ng mga katipunero at mga bayaning lumaban sa mga banyagang mananakop ay taun-taong ginugunita ang kalayaan at pagwawagayway ng pambansang watawat ng Pilipinas.
Ngayong ika-126 na selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, bilang mga mamamayan ng Pilipinas, dapat ikintal sa isip ng bawat isa na hindi nagtatapos sa pagdiriwang ang pagiging malaya, kaakibat nito ang pagiging makabayan at paglaban para sa kalayaan ng iba.
With reports from Alexandra Mae Uy & Marvin Cabalhin
Los Angeles, United States: The Indiana Pacers came from behind to send the Cleveland Cavaliers…
Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV on Wednesday offered to mediate between leaders of…
When you hear the word "pageant," chances are you picture evening gowns, tiaras, and sparkling…
THE National University (NU) Lady Bulldogs will meet the De La Salle University (DLSU) Lady…
EVER wondered what really defines beauty for our Miss Universe Philippines queens? Spoiler alert: it’s…
IT has been a mystery for Filipino ENGENEs, or fans of K-pop boy group ENHYPEN,…