Generation

7 Pinoy, pasok sa ’30 Under 30’ 2024 list ng Forbes

PITONG Pilipino ang pasok sa “30 Under 30” list ngayong taon ng international business magazine na Forbes.

Kabilang sa listahan sina Filipino content creators Abigail Marquez at Arshie Larga, internet artist Chia Amisola, rapper Ez Mil, BackScoop founder Amanda Cua, Parallax co-founder Mikaela Helene Reyes, at Brussels-based artist Joshua Serafin.

Binubuo ang “30 under 30” list ng “entrepreneurs, artists, and changemakers” sa Asya na nangunguna sa pagbago ng kani-kanilang industriya at magbigay inspirasyon sa kanilang henerasyon.

Pasok ang pitong Pilipino sa entertainment and sports at media, marketing, and advertising categories.

Kinilala ng Forbes ang pagsisikap ni Marquez, o mas kilala bilang “Lumpia Queen,” na ipakilala ang pagkain ng mga Pilipino mula pa noong siya’y apat na taong gulang.

Binanggit din nito ang paggamit ni Larga, isang licensed pharmacist, ng social media para palawigin ang kaalaman ng online users tungkol sa mga gamot at ibahagi ang kanyang karanasan bilang isang “ethical pharmacist.” Mayroong fundraising initiative ni Larga para matulungan ang mga Pilipinong hindi kayang tustusan ang kanilang pharmaceutical bills.

Samantala, ipinakilala din ng Forbes si Amisola bilang founder ng Developh, isang non-profit community na nagsusulong sa paggamit ng teknolohiya bilang isang “tool for liberation rather than oppression.”

Ibinida naman ng magazine ang One More Scoop podcast ni Cua, kung saan tinutulungan niya ang ibang startup founders na makahanap ng investors.

Nilarawan naman ng Forbes si Ez Mil bilang rapper na nakakuha ng atensyon ng kilalang producer na si Dr. Dre at rapper na si Eminem. Sumikat ang Pinoy rapper dahil sa kanyang kantang “Panalo,” kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas.

Gamit ang Parallax, tumutulong si Reyes sa pagpapadali ng paggamit at paglipat ng pera sa tulong ng cryptocurrency at blockchain.

Inilarawan naman si Serafin bilang isang artist na kilala sa kanyang live dance, music, at theater performances, kung saan tinatalakay niya ang konsepto ng “cultural identity, transmigration, and queer representation.”

Reactions

Samantala, ikinatuwa nina Ez Mil, Marquez, at Larga ang kanilang tagumpay.

“Thank you @forbesasia for including me on your Class 2024 list of “30 Under 30” Entertainment & Sport Category!” pahayag ng rapper.

Nag-post naman si Marquez ng video ng kanyang reaksyon nang malaman niyang kabilang siya sa “30 Under 30” list.

“We’re freaking out!” ani Marquez. “I’m officially part of the @forbes 30 Under 30 Asia.”

Photo courtesy: @abigailfmarquez | Instagram

Sa X (dating Twitter), ibinahagi ni Larga ang email sa kanya ng Forbes tungkol sa “30 Under 30” 2024 list at nagpasalamat sa business magazine.

“Until now, speechless pa rin po ako as in pagkagising ko kaninang umaga, ito agad yung bumungad na email sa’kin kaya sobrang ganda ng gising ko,” wika niya.

Nagpasalamat din si Larga sa mga taong sumusuporta sa kanyang adbokasiya.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Why We Have to Vote, Even If It Feels Pointless

YESTERDAY, I found myself in the middle of a sweltering crowd at a bus station…

6 hours ago

EXCLUSIVE: Ahtisa Manalo to give ‘best fight ever’ in 74th Miss Universe

MISS Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo promises to give the Philippines “the best fight ever,”…

8 hours ago

Leo XIV to address faithful with St Peter’s prayer

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will lead the Regina Coeli prayer from the…

10 hours ago

T-Wolves grab 2-1 NBA playoff series lead as Celtics get key win

San Francisco, United States: Anthony Edwards scored 36 points and rallied the Minnesota Timberwolves for…

10 hours ago

From the Runway to the Newsroom: MUPH and MPW Visit RA

BEAUTY pageants have long been a cherished cultural tradition in the Philippines, combining glamor, grace,…

1 day ago

With papacy, Leo XIV inherits Vatican money troubles

Rome, Italy: Along with the spiritual leadership of the world's 1.4 billion Catholics, Pope Leo…

1 day ago