fbpx
Search
Close this search box.

Filipino Swifties–may mixed reactions sa ‘22 Hat’ ni Taylor Swift 

by Deanna Macaranas

MARAMING Pinoy Swifities ang ahad na nag-react sa internet dahil hindi napunta kay Taylor Sheesh ang signature ‘22’ hat ng singer-songwriter na si Taylor Swift.   

Nasa Singapore ngayon ang American artist na si Taylor Swift para sa kanyang Southeast Asia ‘Eras Tour’ stop. 

Isa sa mga kilalang attendees na nanood ng kanyang live performance ang FIlipino Drag queen na si Taylor Sheesh. 

Kilala si Taylor Sheesh dahil sa kanyang talento pagdating sa paggaya kay Taylor Swift. 

Una siyang naging viral sensation pagkatapos naging viral ang kanyanh Taylor Swift performance sa isang mall sa Quezon City.   

Dahil hindi magkakaroon ng concert sa Pilipinas sa nalalapit na panahon, maraming Pinoy swifties ang nagbook ng kani-kanilang flight papuntang Singapore para makita ang kanilang idol. 

Dito, hindi nagpahuli ang Drag artist na si Taylor Sheesh para makita ang performance ng kaniyang paboritong artist.  

Sa isang X (dating Twitter) post, shinare ni Taylor Sheesh ang kaniyang seat number kung saan malapit niyang mapapanood ang performance ni Taylor Swift. Sa post, kaniyang isinulat “LEZZZ GOOWWWWWW @taylornation13 @taylorswift13 💖💖💖💖PF6 Row 5 Seat 24!!! 🤟🏼🤟🏼🤟🏼🤙🏼🤙🏼🤙🏼”   

Sa litratong kaniyang pinost, makikita din ang kaniyang glamorous jeweled OOTD na akmang-akma sa event. 

Habang maraming swifties ang nageenjoy sa ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift, naging usap-usapan ng isang segment ng show kung saan ipenerform ng artist ang kaniyang kantang ‘22.’

Habang ipineperform ng live ang kaniyang kantang ‘22,’ nakasuot ng black fendora ang singer. Ang hat na kaniyang suot ang sinabing naging parte din ng music video ng kaniyang single. 

Maya’t mayang inabot ni Taylor Swift ang kaniyang black fendora sa isang bata at binigyan ito ng malaking yakap. 

Naging usap-usapan sa internet ang hindi pagpili ni Swift sa Drag Queen pagdating sa pagbibigay ng black fedora hat. 

Pinagmulan ito ng debate kung karapat-dapat nga bang ibigay ang black fedora hat sa drag queen o hindi.  

Isang X user ang nagpost sa X kung saan sinabi niya na “it was a crime,” na hindi man lang nabigay ang Drag Queen ng chance para makuha ang “22 hat.” 

May isang X user din na nagsabi na dapat kay Taylor Sheesh ibinigay yung hat dahil deserve niya ito. 

Isang X user naman ang naglahad na ang “22 Hat” ni Swift ay hindi isang contest at dapat hindi sisihin ang team ni Sheesh para makuha ang hat. 

Ang isang X user naman ay nagpost ng isang meme mula sa isang scene ng ‘Mean Girls’ with the caption: “taylor sheesh didn’t get the 22 hat.”

Samantala, meron ding isa pang X user na nagpost ng ‘Keeping Up With the Kardashian’ meme na may kasamang sarcastic na caption: “oh it’s the end of the world because taylor sheesh did not get a 22 hat for the nth time i’m so annoyed.”  

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter