Editor's Pick

Secret Weapons ni Nanay: Pamamalo, kinakailangan ba?

SA BAWAT tahanan, may mga alaala tayong nag-iiwan ng malalim na epekto sa ating pagkatao, mabuti man o hindi. 

Isa na nga rito ay ang mga secret weapons ni Nanay na ginagamit bilang pamalo.

Naging katatawanan din online ang dami ng mga kagamitan na ipinangpapalo ng mga ina. Mapa-walis, sinturon, tsinelas, at marami pang iba, hindi papaawat ang mga ito maitama lamang ang mga bata.

Photo Courtesy: The Pinoy Parent

Paminsan nga, kung ano nalang ang maabutang kagamitan sa tabi ay dinadampot na at ipinamamalo sa mga nagkukulitan at mga pasaway na anak na napapatakbo na lamang sa takot.

Ngunit, para sa mga magulang, partikular na sa mga ina, ang pamamalo ay hindi lamang nagnanais na makapagpadisiplina. Ito ay may layuning turuan at itama ang kanilang mga anak sa kanilang mga pagkakamali.

Dagdag pa rito, may maririnig pa tayong mga komento sa ilang mga nakakatanda na baka kaya makulit ang isang bata dahil “hindi lumaki sa palo” at kinakailangang ituloy lamang ang ganitong nakasanayan.

Na-veto ang anti-palo act

Matatandaan na noong 2019 ay na-veto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill 1477 at House Bill No. 8238, o mas kilala bilang anti-palo act, na iniakyat sa senado. 

Para nga sa dating presidente, ang bill na ito ay mahalaga, ngunit masyadong malawak at kung iisipin ay maaaring mawalan na ng privacy ang mga pamilya sa pagdedesisyon kung paano papalakihin ang kanilang anak.

Photo Courtesy: Mom Center Philippines

“This bill places such responsible disciplining of children in the same category as humiliating and degrading forms of punishment, and condemns them all in one broad stroke,” sabi noonDuterte.

“Making no distinctions, the bill would allow government to extend its reach into the privacy of the family, authorizing measures aimed at suppressing corporal punishment regardless of how carefully it is practiced.”

Ngunit, akma pa rin nga ba ang ganitong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata? O mayroon namang paraan upang sila ay maitama nang walang pananakit na kabilang sa pinagpipilian?

Lumaki ka ba sa palo?

Kinuha ng republicasia ang saloobin ng mga Gen Zs patungkol sa usapin ng pamamalo sa henerasyon ngayon. Nagkaroon din ng pagkakataon upang matanong kung naranasan ba nilang mapalo noon.

Si Jewel Trinidad ay isang 23-taong gulang na Gen Z ay nakaranas mapalo noong bata pa lamang siya. 

Kwento nga niya, may kakulitan nga rin daw siya noon na naging rason kung bakit siya napapalo.

“Medyo makulit kasi ako nung bata ako. Mas gusto ko sa labas ng bahay at makipaglaro, at kadalasan hindi ko nasusunod yung utos ng mga magulang ko, so ayun palo ng mga magulang ‘yung inaabot ko,” kwento nito.

Ganito rin ang sitwasyon ni Eser Lañada na isa ring Gen Z. Ang papasaway ang maaaring nag-udyok sa kanyang mga magulang upang disiplinahin siya sa ganitong pamamaraan.

Photo Courtesy: Eser Lañada

“Yes, naranasan ko na mapalo noong bata ako. The reason mostly is because I was naughty, or masyadong matigas ang ulo ko at hindi sumunod,” kwento ng 24-taong gulang.

Ibinahagi naman ng 23-taong gulang na si Ian Capati na hindi siya kailan man napalo habang lumalaki pa lamang siya. Laking pasasalamat din niya na nagkaroon ng ibang pamamaraan ang kanyang magulang.

“Thankfully, hindi ko naranasan mapalo ng aking magulang. There are other ways para parusahan nila ako sa aking mga pagkakamali. Until now, I am grateful na hindi iyon ginawa sa akin,” sabi ni Capati.

Kinakailangan nga ba ang pamamalo?

Magkakaiba man ang kanilang karanasan ng pagdidisiplina noong sila ay bata pa, ngunit iisa lamang ang kanilang saloobin patungkol sa kung kinakailangan pa rin ba ang ganitong kasanayan sa henerasyon ngayon.

“Siguro hindi, kasi lumaki ako sa palo at doon ko natutunan magkaroon ng may takot at respeto sa mga magulang ko pero hindi ibig sabihin na kailangan na ng pamamalo para mag karoon ng disiplina ang mga bata ngayon,” sabi ni Trinidad

Dagdag pa nga ng mga Gen Z na ito na hindi na akma ang ganitong paraan ng pagpapalaki sa mga bata, dahil magbubunga lamang ito sa takot o trauma na maaaring nila dalhin habang sila ay lumalaki.

“Sa tingin ko hindi, maraming mga kapwa kabataan ko ngayon ang palaging dala-dala ang malubhang experience na iyon. For them it still hurts kasi until now hindi nila maintindihan kung bakit ginawa sa kanila yon,” paliwanag ni Capati.

“This form of discipline is quiet barbaric for me since it leaves a trauma to the child and it might affect those children when they become parents, passing that kind of form of punishment to their future kids. It is not healthy.”

Photo Courtesy: Ian Capati

Para naman kay Lañada, mayroong ibang paraan para pagsabihan ang mga bata, at hindi kailangang umabot pa sa pamamalo.

“For me, they should manage their own emotion first. Provide a good example towards their children, practice good communication, exercise healthy discipline action, and show them how their bad actions may cause a bad consequence not just to them but also to those people around them.”

Ang mensahe ng mga Gen Z

Nag-iwan naman ng mensahe ang mga Gen Zs na ito para sa mga magulang na maaaring makabasa nito. Bilang isa sa henerasyon na talamak ang ganitong uri ng pagdidisiplina, hiling nila ay pagbabago.

“Abolish the “pinalo kita, kasi mahal kita” because this might be detrimental to a child’s mental health and they might justify the use of violence to show affection or love,” sabi ni Lañada.

“Please practice being firm and respectable but not abusive, let’s become the parents that will remove this toxic action towards our children.”

“It is important to understand the child’s feelings and to be a good role model. Discipline should teach a lesson, not instill fear or cause pain,” sabi naman ni Capati.

Ano’t ano man ang sabihin natin, mayroong ibang pamamaraan na maaaring gamitin upang turuan ng leksyon ang mga kabataan. Maaaring kausapin ng mabuti, upang makasanayan nila ang mabuting komunikasyon.

Bukod pa rito, ang henerasyon ngayon ay puno ng matatalinong bata na mabilis makaintindi, kaya’t hindi na kinakailangang mapangunahan ng galit at saktan sila.

Maaaring sabihin ng iba na ang batang lumaki sa palo ay batang lumaki sa pagmamahal ng kanilang magulang, ngunit bakit takot ang naiwan sa mga batang ito? 

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Crown Talk: A Q&A with the Miss Universe PH Queens

EVER wondered what really defines beauty for our Miss Universe Philippines queens? Spoiler alert: it’s…

1 hour ago

‘I like Bite Me:’ Ahtisa Manalo recalls viral photo at ENHYPEN’s PH concert

IT has been a mystery for Filipino ENGENEs, or fans of K-pop boy group ENHYPEN,…

2 hours ago

New Generation Leads: Gen Z Mayor Elected in Rizal, Cagayan

Trigger Warning: Mention of Violence  NEW GENERATION leaders are now entering the political arena, with…

5 hours ago

Who won and lost? Showbiz personalities that run in the 2025 midterm elections

DURING the 2025 midterm elections, a number of showbiz personalities had taken their chance to…

6 hours ago

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

23 hours ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

24 hours ago