ANG stroke ay isang nakakatakot na medikal na kondisyon na kadalasang nagaganap kapag nawawalan ng supply ng dugo ang bahagi ng utak, na maaaring magdulot ng pinsala sa utak, kung hindi agad naagapan.
Sa Pilipinas, ang stroke ay pumapangalawa sa heart attack bilang pangunahing rason ng pagkamatay. Kilala rin bilang “brain attack,” ang stroke ay kinokonsidera bilang isang medical emergency.
Ayon sa ulat ng GMA News na ibinahagi ng Mayo Clinic, ang stroke ay mayroong dalawang uri. Ito ay ang ischemic at hemorrhagic stroke.
Ang ischemic stroke ay nangyayari kapag may nabuong blood clot sa loob ng artery at hinaharangan or binabawasan ang supply ng dugo sa isang parte ng utak.
Habang ang hemorrhagic stroke naman ay nangyayari kapag ang blood vessel ay pumutok o nagle-leak, na nagiging rason ng bleeding sa loob ng utak.
Kamakailan lang, si GMA Integrated News journalist Arnold Clavio ay nakaranas ng isang nakababahalang pangyayari. Ibinahagi niya na nakaranas siya ng hemorrhagic stroke matapos maglaro ng golf noong Martes.
Screenshot from: @akosiigan | Instagram
Base sa kanyang Instagram post, hindi inakala ni Clavio na mauuwi sa ganitong pangyayari ang tila ba’y normal na araw lamang.
“Pauwi na ako galing Eastridge Golf Course. Habang nasa biyahe, nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti. Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break,” sabi ni Clavio.
“Huminto ako sa isang gasoline station para i-check ang sarili ko. Papunta ng restroom, hindi na ako makalakad.”
Screenshot from: @akosiigan | Instagram
“Kailangan ko na may mahawakan. Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko. Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan. At hindi ito naging madali,” sabi sa post.
Hindi naman ibinahagi ng journalist kung siya ba ay clear na base sa ginawang pagsusuri ng mga doktor. Ngunit ito ay naging matinding aral sa kanya.
“Feeling ok does not mean you’re ok… Feeling good does not mean we’re good.. Listen to your body..Traydor ang hypertension! Always check your BP,” paalala ni Clavio.
Ayon sa Neurologist at Stroke Society of the Philippines board member na si Dr. Joyce Tenorio-Javier, maaaring ma-check ang sarili kung nakararanas na ito ng stroke gamit ang BE FAST acronym.
“B” ay balance. Isang sign ng stroke ang pagkahilo o kawalan ng balanse, habang ang “E” ay eyes, kapag nagkakaproblema sa paningin. Ang “F” naman ay face o facial asymmetry. Makikita ito sa pag ngiti o paglaylay ng mukha.
“A” naman ay arm, o kapag ang isang indibidwal ay nakararanas ng problema sa kanilang braso dala ng pagkamanhid o panghihina nito. “S” naman ay speech o problema sa pagsasalita.
At ang huli ay ang “T” o time. Ito ay isang paalala para sa mga pasyente na maaaring nakararanas ng stroke na agad na pumunta sa pinakamalapiy na ospital o humingi agad ng tulong kapag naranasan ang mga ito.
Dagdag ni Dr. Javier, may pagkakataon na hindi alam ng isang pasyente na siya ay nakaranas na ng mild symptoms at hindi alam na sila ay na-istroke na. Base na lamang sa MRI o CT Scan, ito ay “silent stroke” na.
Ayon din sa Mayo Clinic, ang pagiging overweight o obese, heavy o binge drinking, paggamit ng ilegal na droga, at hindi aktibong pagkilos ay pumapailalim sa tyansa na makaranas ng stroke.
Kaya naman payo ni Dr. Javier, makabubuti na magkaroon ng magandang lifestyle at maingat diet magmula sa dami at ano ang dapat kainin, upang maiwasan ang anumang sakit, partikular na ang stroke.
Ang pag-eehersisyo rin ay malaking bagay upang mapanatiling malakas ang katawan. Dagdag niya na 150 minuto ng pag-ehersisyo kada linggo, o 30 minuto kada araw tatlo hanggang limang beses kada linggo ay maganda.
Kahit pa ang stroke ay maaaring makuha base sa genetics ng pamilya, susi pa rin ang dalawang bagay na ito upang mabawasan ang tyansa na makaranas ng stroke.
Ugaliin din ang regular na pag-inom ng maintenance para sa mga indibidwal na mayroong hypertension o diabetes, at magcheck din regular ng blood pressure.
Ilan lamang ito sa mga paraan upang maiwasan ang stroke. Palaging tatandaan na sa buhay natin, ang katawan natin ang pinakamahalagang puhunan sa lahat ng ating ginagawa. Kaya naman dapat lamang ito pangalagaan.
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
IN my teenage years, I never really had the opportunity to buy books that I…
I DIDN'T start running because I wanted to. I started because someone asked me if…
Los Angeles, United States: The Minnesota Timberwolves routed the Golden State Warriors to advance to…
BAG in front, sprinting to catch a jeepney seat, horns blaring from all sides –…
A MONTH before they leave for Malaysia, members of the P-pop boy group 1st One…
THERE comes a point when staying silent feels heavier than speaking up. It means standing…