fbpx
Search
Close this search box.

Dashcam Diary: Trike sinalpok ng van; mga pasahero tumilapon sa hiway

by RepublicAsia

Isang pasahero ng tricycle ang patay at apat na iba pa ang sugatan nang salpuking ng shuttle van ang sinasakyang tricycle ng mga pasahero sa Gumaca. Quezon pasado 3:00 ng hapon nitong Biyernes, Nobyembre 25, 2022.

Bumabaybay ang tricycle papuntang Bicol sa Maharlika Highway, Barangay Villa Padua, bayan ng Gumaca, nang bigla itong may nakasalubong na shuttle van papuntang Maynila.

Ang driver ng sasakyan na nasa likod ng tricycle, nakuhanan ang aktuwal na salpukan sa kanilang dashcam. Kita ang aktuwal na pagtilapon ng tricycle drive at mga pasahero sa likod nito.

https://www.tiktok.com/@republicasia/video/7170626437605608731?_r=1&_t=8XhY7cd7pOk&is_from_webapp=v1&item_id=7170626437605608731
courtesy Gumaca, Quezon PNP

Halos mawasak ang tricycle sa tindi ng pagsalpok. Nasira naman ang bumper ng shuttle van.

Mabilis na narescue ang mga sugatan.

Ayon sa Gumaca Municipal Police Station, dead on arrival sa pagamutan isang pasahero ng tricycle na kinilalang si Victorino Calvelo.

Isinugod sa pagamutan ang tricycle driver at ang ibang pasaherong nasagutan kabilang ang isang bata. 

Agad naman na sumuko ang driver ng shuttle van na kinilalang si Jeremie Masayon ng Cainta, Rizal. Nasa kustodiya ito ng Gumaca Municipal Police Station.

Nakatakdang magharap ang may ari ng shuttle van at ang mga kaanak ng mga biktima.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter