fbpx
Search
Close this search box.

Chito Miranda nanawagan ng tulong pinansyal para sa gitarista ng Parokya

by Athena Yap

HINDI na napigilan ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda na ibunyag sa publiko ang kalagayan ng kanilang gitarista na si Gab Chee Kee nitong Miyerkules sa kanyang official Facebook account.

Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) si Gab dahil sa komplikasyon ng kaniyang sakit na “lymphoma,” ayon kay Chito.

Naglakas loob na si Chito na magpahayag ng detalye ukol sa kinalalagyan ng kaniyang kabanda at manawagan ng tulong pinansyal kahit na noong una ay hindi pa sang-ayon si Gab na isapubliko ang kaniyang sakit.

“Gab needs to undergo treatment, and won’t be able to play until he makes a full recovery,” pahayag ni Chito.

Heart of the band

Para sa bokalista, tila hindi mula sa puso ang kanilang pagpe-perform kapag wala si Gab.

“Gab is the heart of the band, and it doesn’t feel like Parokya kung wala sya,” aniya.

Ayon pa sa kwento ni Chito, hindi lang basta sa banda nakikita ang kahalagahan ni Gab kung hindi pati na rin sa kaniyang personal na buhay.

“Bestfriend ko si Gab mula 1st year highschool, and siya lang yung palagi kong ka-jamming bago pa naming ma-isipan mag-buo ng banda…at kahit nung naging Parokya na kami, si Gab pa rin yung sinusundan ko whenever we perform live,” sabi ni Chito.

Sabi pa niya, “Gitara yung sinasabayan ko tuwing gig, sa kanya ko kinukuha yung tono, at sa kanya ko din tinatanong kung nasa tono ba ako o wala.” 

Lymphoma at chemotherapy

Bago pa man madala sa ICU si Gab, naikwento rin ni Chito na kahit may nararamdaman na ito last year ay patuloy pa rin itong tumutugtog sa kanila.

Ayon kay Chito, na-diagnose ng lymphoma si Gab bago matapos ang taong 2022 at sumasailalim na sa chemotherapy.

Hanggang aniya, pinayuhan na si Gab ng doctor na huwag munang tumugtog at magpahinga muna.

“But soon after, he was advised by his doctor not to play gigs muna para makapag-pahinga,” sabi ni Chito.

Una ay ayaw pa ni Chito na tumugtog ang banda at hintayin nalang sana na gumaling ang gitarista, pero iginiit aniya ni Gab na magpatuloy ang banda kahit siya ay nagpapagaling pa.

“Pero kina-usap kami ni Gab and asked us to continue playing, because he doesn’t want us to stop playing just because we’re waiting for him to get better,” pahayag ni Chito.

“So we did,” dagdag pa niya.

Fund-raising 

Bago matapos ang kaniyang post, dito na inihayag ng bokalista na kahit may naitabi si Gab ay tila hindi pa rin kakayanin ng pamilya nito ang hospital bills.

“He was financially prepared naman for the chemotherapy. But now, his family needs help with the overwhelming hospital bills,” ani Chito.

Ayon pa kay Chito, isa pa ang bokalista na si Ebe Dencel sa mga humikayat kay Gab na payagan na silang manawagan ng pinansyal na tulong.

“Sa dami ng tinulungan mo, hayaan mo naman kami tulungan ka, please,” quote ni Chito na sinabi ni Ebe.

Inanunsyo rin ni Chito na magkakaroon sila ng iba pang mga kaibigan sa industriya ng fund raising gigs para kay Gab

“Parokya and our friends from the music scene will be doing a series of fundraising gigs to help Gab out…most of which won’t even be announced as fundraisers. Tahimik lang sila na tutulong.”

Tila nanatali namang positive ang vibes ni Chito kahit na mahirap ang pinagdadaanan ng banda. 

“Matinding laban to for Gab…at reresbakan natin sya,” aniya.  

Sa huli ay pinasalamatan din ni Chito ang mga kaibigan sa industriya na nauna nang mag-abot ng donasyon.

“Maraming salamat kay Ebe, sa Kamikazee, kay Gloc9, kay Shanti Dope, kay Flow G, sa Gracenote, sa December Ave, sa POT, sa Moonstar, at kay Moira. Mahal na mahal namin kayo,” pahayag nito. 

Sino ang Parokya?

Ang Parokya ni Edgar ang isa sa pinakasikat na banda sa Pilipinas.


Bukod kay Chito at Gab, ang iba pang miyembro nito ay sina Buwi Meneses, Vinci Montaner, Darius Semaña at Dindin Moreno.


Ilan sa mga sikat nilang kanta ay Gitara, Halaga, Buloy at Your Song.

Banner courtesy of Facebook: Chito Miranda

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter