fbpx
Search
Close this search box.

Cebuana, rumampa sa Paris fashion week

by Athena Yap

ISANG miyembro ng LGBTQIA+ mula sa Cebu ang nagpatunay na kayang sumabay sa ibang bansa ang pagiging malikhain ng mga pinoy.

Rumampa sa Mugler Paris Haute Couture Week ang model at designer na si Lukresia o kilala bilang @thirdworldbb sa Instagram.

Suot ang corset na may makinang na design sa itaas na ipinares sa leather na pantalon, ipinamalas talaga ng Cebuana ang galing sa pagrampa at pag-project sa Paris Fashion Week.

Star-studded ang naging runway ng Mugler at mapalad si Lukresia na nakasama niya sa fashion show ang mga kilalang fashion supermodel na sina Anok Yai at Irina Shayk.

Isa sa naging instrumento para maabot ng Cebuana ang pagrampa sa prestihiyong fashion show ay ang Majin Scouting.

Lubos naman ang pasasalamat ng Majin sa pagkakataon na maibida sa ibang bansa ang talento ng kanilang modela.

“LUKRESIA for @muglerofficial FW 22/23. Thank you so much for making this happen  @julialangecasting@mmaerzinger @women360paris,” pahayag niya sa kanyang Instagram caption.

Kung sisilipin ang social media accounts ng Cebuana artist, kapansin-pansin ang mga litrato at video niya na nakasuot ng mga kabogera na outfit habang nasa harap ng pangkaraniwang background, gaya ng garahe at simpleng bahay. 

Pasok sa realidad ang kanyang mga kuha pero mas umaangat ang kanyang fashion flavors na swak sa paningin ng mga millennial at Gen Z.

Katunayan, makikita sa lahat ng post ng Cebuana na feel niya talaga ang pagiging modelo.

Hindi ito ang unang beses na nakapag suot si Lukresia ng damit mula sa naturang brand. Nagkaroon na rin siya ng photoshoot noong Disyembre na minomodelo ang isang damit ng Mugler.

Muling isinuot ni Lukresia ang damit na ginamit niya sa photoshoot sa isang Instagram photo, pero ang set-up ay ang kanilang simpleng garahe. Tinag din niya rito ang mismong account ng Mugler at skinwear brand na Wolford.

Ano nga ba ang Mugler Fashion?

Nagsimula ang Mugler Paris Haute Couture noong 1973 at signature style nito ay mga outfit na broad shoulder design na may halong pampanipis ng baywang. Ang pag gamit ng mga mala-plastic at futuristic na tela ay naging trademark na nito.

Ang huling live fashion show nito bago sa taong 2023 ay para sa fall season noong January 2020.

Sa taong 2023 naman, fall and winter ang nais ipresenta ng French brand 


Banner courtesy: @thirdworldbb

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter