fbpx
Search
Close this search box.

Cebu Sinulog: Walang telco signal simula Sabado

by RepublicAsia

Ni Charlie Hera

CEBU CITY — Sa darating na Sabado at Linggo na ang pinakamalaking festival sa buong Pilipinas — ang Sinulog Festival.

Dalawang taon ding hindi nadama ng mga tao ang Sinulog hype dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa tantsa ng mga otoridad, dadagsa ulit ang mga tao sa ngayong weekend.

Bago nag-pandemya, umaabot ng isa hanggang 15 milyong deboto ang dumadayo sa Cebu City para sa taunang fiesta ng Sto. Niño.

Walang signal

Sa utos ng National Telecommunications Commission, dapat patayin ng Smart, Globe at Dito ang mga cell signal nila simula Sabado alas kwatro ng umaga hanggang tanghali sa lungsod ng Mandaue, Lapu-Lapu at Cebu City. Magsasagawa kasi ng fluvial procession sa umaga.

Ang buong Cebu City naman ay mawawalan din ng cell signal sa Sabado ng tanghali hanggang alas otso ng gabi.

Sa Linggo, araw mismo ng Sinulog Grand Parade, walang cell signal sa downtown Cebu City at sa South Road Properties ( SRP) .

Ayon kay Ella Blanca Lopez, deputy commissioner ng NTC, hiniling daw ng hepe ng Philippine National Police regional office sa NTC na maglabas ng kautusan na putulin ang signal ng mga telecommunications company sa dalawang araw ng pagdiriwang.

Nagsasagawa ang kapulisyahan ng signal jamming sa mga malalaking pagtitipon para hindi gamitin ng mga terorista o ibang kriminal ang cellphone signal bilang trigger ng mga bomba.

Tutol si Mayor sa signal jamming

Kung si Cebu City Mayor Michael Rama ang tatanungin, nais daw niyang huwag na lang patayin ang signal ng mga cellphone sa mismong araw ng Sinulog.

Ani Rama, ang paglalagay daw ng signal jamming ay “undemocratic.”

“ I noticed  about the jamming, it’s now the challenge of Philippine National Police. Do-not-bring restrictions, regulations? Yes. But shutting off  for me, that is undemocratic,” sabi ni Rama.

Isa raw pag-aalipusta sa diwa ng fiesta ng Sto.Niño na tanggalan ng cell signal ang mga deboto.

“ You are asking me  from the Mayor’s point of view, there might be, we  do not know,  of which wala sad ta kahibaw if there is going to be a national policy  or what,  but  me as the Mayor of the City of Cebu  having organized Sinulog since 2001,  the word jamming , the word shutting up is anathema, anathema  to fiesta,” ani niya.

Ayon naman sa direktor ng Cebu City Police Office na si P/Col. Ireneo Dalogdog, magkakaroon pa raw sila ng  pulong kung magkakaroon nga ba ng signal jamming sa araw ng Linggo o susundin nila ang kagustuhan ni Mayor Rama.

Nitong Jan. 8, naglatag na ang lokal na pamahalaan ng  Cebu City ng mga alituntunin sa pagdiriwang  ng Sinulog Festival ngayong taon.

No party, no alcohol

Bawal din ang street party sa sa Cebu City.

Di gaya nang nakasanayan, sa South Road Properties ( SRP) ng lungsod gagawin ang  grand parade at ritual showdown sa linggo.

Ayon kay Rama, nais ng mga otoridad na maayos ang daloy ng trapiko  at maging ng mga pedestrian sa pagdiriwang ng pyesta ng Sto. Niño.

Bawal din ang  mga alcoholic drink sa SRP ground, liban nalang sa mga hotel sa paligid nito.


photos courtesy Basilica Minore del Santo Niño de Cebu

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter