fbpx
Search
Close this search box.

‘Born Pink’ patok;  Netizens naloka sa resale price ng concert ticket

by Athena Yap

BLACKPINK is back!

Mabilis na naubos ang tickets para sa “Born Pink” concert ng K-Pop group na Blackpink na nagsimulang magbukas ng bentahan para sa kanilang early bird ticket sale noong October 28, 2022.

Tinatayang mahigit 100 thousand ang pumila online para maka-secure ng kani-kanilang ticket.

Ang pagbabalik sa Pilipinas ng Blackpink para sa kanilang Born Pink concert ay gaganapin sa Philippine Arena, Bulacan ng dalawang araw sa March 25 at 26, 2022. Ito ay bahagi ng kanilang Asia tour.

Sa inilabas na official sale promotion ng producer ng concert na Live Nation, ang pinaka mababang presyo ng ticket ay P3,000 na UBC Regular. Samantala, ang pinaka mahal naman ay P19,000 na VIP Soundcheck.

“Stressful” kung ilalarawan ng mga Blackpink fan ang proseso ng pagbili ng ticket, pero ayon sa kanila, “worth it naman.”

“Super stressful. Was able to secure online. Grabe [y]ung queue eh from 9am-2pm,” kwento ni Janna, na isang Blackpink fan.

Scalper/Reseller

Hindi pinalampas ng mga scalper o reseller na siguraduhin maka-bili agad ng ticket ng nasabing concert. Mula P19,000 na pinakamalapit para makanuod, ang bentahan ay pumalo agad sa P40,000 na resale price.

Samantala, suportado ng fanbase Twitter account ng K-pop group na @BLACKPINK_PH ang mga reseller upang makatulong na maka-secure ng tickets ang mga hindi pinalad makakuha ng ticket sa online sale.

Ang Blackpink ay binubuo ng apat na miyembro na sina Jennie Kim, Lalisa Monoban, Jisoo, at Rosé.

Unang beses na nag-concert ang Blackpink sa bansa noong 2019 para sa kanilang “In Your Area” tour na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Ilan sa mga artistang nakapanuod sa unang concert ng K-pop group ay sina Anne Curtis, Liza Soberano, at Maymay Entrata.

Ang susunod na stop ng female K-pop group para sa kanilang Asia tour ay Bangkok, Riyadh, Kuala Lumpur, Kaohsiung, Singapore, Hong Kong, Abu Dhabi, at Jakarta.

Photo credit: Blackpink update page

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter