fbpx
Search
Close this search box.

Pamaskong shabu ni misis sa asawa sa Bilibid, buking

by RepublicAsia

SA kulungan na nag-Pasko ang isang babae matapos syang mahuling nagpupuslit diumano ng shabu sa New Bilibid Prison Maximum Security Compound sa Muntinlupa City.

Sa ari pa mismo ng babae tinago ang hinihinalang shabu, ayon sa mga opisyal ng Southern Police District.

Kinilala ang suspek na si Maria Cristina Antonio, common-law-wife ng isang preso ng Bilibid na si Bernard de Silva.

photo courtesy SPD

Base sa imbestigasyon ng SPD, dakong ala-7:10 ng gabi noong December 23, dadalaw sana ang suspek sa kanyang asawa nang mapansin ang kahina-hinalang kilos nito.

Nang kapkapan ang suspek sa loob ng frisking area ng Inmate Visitation Service Unit, napansin ng Bureau of Corrections (BuCor) inspector ang isang bagay na nakasuksok sa ari nito.

Inutos ng BuCor inspector kay Antonio na ilabas ang kontrabando.

Nakuha mula sa suspek ang isang nakabalot sa plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang 150 gramo ng shabu. Sa market price na P6,800 per gramo, nagkakahalaga sa P1.2 million ang tangkang pinupuslit na kontrabado.

photo courtesy SPD

Tumanggi magbigay ng pahayag ang suspek.

Sinampahan na si Antonio ng kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165.

Dahil sa nangyari, magsasagawa raw ang pamunuan ng BuCor ng surprise inspection sa loob ng Bilibid.

Matatandaang pinayagan ng BuCor na magkaroon ng stay-in, conjugal visit ang asawa ng mga preso sa Bilibid simula Disyembre 23. Maaari ring bumisita at mag-stay-in ang mga anak ng preso pero limitado lamang ang orasl

Sa loob ng apat na araw, maaaring manatili sa Bilibid ang asawa, ka-partner o anak ng mga preso. Bahagi ito ng reporma sa mga preso, at para na rin mapangalagaan ang karapatan ng mga preso kahit pa nasa loob ng kulungan.

Magkakaroon ulit ng stay-in, conjugal visit sa December 30 hanggang January 2, 2023 para sa mga hindi nakadalaw nitong Pasko.

Video courtesy Dryen Zamora

banner photo courtesy SPD

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter