fbpx
Search
Close this search box.

Bakit marami ngayon ang nagpapa-surrogate?

by Athena Yap

HABANG nagbabago ang panahon, dumadami na rin ang iba’t ibang pamamaraan kung paano bumuo ng pamilya. Pero kinokonsidera kaya ito sa Pilipinas?

Sa ibang bansa, may opsyon ang mga mag-asawang nahihirapan makabuo ng anak na kung saan ay kukuha sila ng kahaliling ina na willing dalhin sa kanyang sinapupunan ang egg cell at sperm cell ng isang mag-asawa. 

‘Yan ang ang tinatawag na surrogacy.

Dahil sa makabagong medikal na pamamaraan, tumataas din ang pag-asa ng mga mag-partner na makabuo ng pamilya.

Bukod sa mga babae at lalaking mag-asawa, malaya rin ang mga magkasintahan na bahagi ng LGBTQ (Lesbian, Gay, Transgender, Queer) na ikonsidera ang surrogacy bilang opsyon para gawin pa ring posible na makabuo ng sariling pamilya.

Dito sa Pilipinas, wala pang batas para gawing legal ang surrogacy. Sa ibang bansa tulad ng United States, Australia o sa Europa, legal ito.

Dahil dyan, ang ilang Pilipino nangibang-bansa sa pag-asang makabuo nang pamilya.

Idea of Surrogacy

Ang Unkabogable comedian na si Vice Ganda, inihayag na bukas ang isipan niya na magka-anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Sa isang one-on-one interview ni dating Manila Mayor Isko Moreno, sinabi ni Vice Ganda na “gustong gusto ko nang magkaanak.”

Mula aniya nang makilala niya ang partner na si Ion Perez naging open na siya sa ideya ng pagkakaroon ng anak.

““I found it so beautiful [nung nakilala ko si Ion] at sabi ko kayang kaya namin magka-baby,” kwento ng komedyante.

Samantala, sinu-sino pa nga ba ang ibang mga sikat na personalidad na may tagumpay na istorya tungkol sa surrogacy?

Joel Cruz

Kilala ang Aficionado CEO na si Joel Cruz na unang gumawa nito sa mga sikat na personalidad sa Pilipinas.

Ang kanyang kambal na panganay na sina Prince Sean at Princess Synne ay nabuo sa tulong ng isang surrogate mother.

Nasundan pa ito ng anim pang mga baby na nabuo rin sa pamamagitan ng surrogacy.

Ayon sa isang interview sa perfume master noong 2021, tinatayang nasa P54 million ang nagastos niya para mabuo ang kanyang walong anak.

Bukod kina Prince Sean at Princess Synne, ang iba pa niyang surrogate babies ay sina Prince Harvey, Prince Harry, Charles, Charlotte, Zaid, and Ziv.

Vicki Belo at Hayden Kho

Sexy at napakaganda ng beauty mogul na si Dr. Vicki Belo, pero naging balakid ang kanyang edad para magkaroon sila ng anak ni Dr. Hayden Kho.

2016 nang ipakilala sa publiko nina Vicki at Hayden Kho ang anak na si Scarlet Snow na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy.

Si Scarlet ang nag-iisa nilang anak na ngayon ay isa sa mga superstar babies na mayroon na’ng mahigit 5 million followers sa kanyang Instagram.

Na-engage sina Vicki at Hayden noong 2011 at Ikinasal sila sa Paris noong September 2017.

Korina Sanchez at Mar Roxas

February 2019 nang ipakilala sa publiko ng TV Patrol anchor na si Korina Sanchez at politikong si Mar Roxas ang kanilang kambal na anak na sina Pittsburg at Pennsylvania o Pepe at Pilar na ipinanganak sa pamamagitan din ng surrogacy.

Dahil 54-anyos at 61-anyos na noon sina Korina at Mar, minabuti na nilang magka-baby sa nasabing medical process.

Ayon pa sa isang panayam noon kay Korina sa ABS-CBN, sampung taon nilang pinlano ni Mar ang pagbuo ng baby sa paraan ng surrogacy.

Alice Dixson


Masasabi raw ni Alice Dixson na “miracle baby” ang anak niya na si Aura na aminado siyang nabuo sa pamamagitan ng surrogacy.

Inamin ito ng aktres sa segment ng “Eat Bulaga” na “Bawal ang Judgemental” noong May 2021.

Si Aura ang unang baby ni Alice sa kanyang long-time non-showbiz partner.

Noong 2019, naihayag ng aktres na matapos ang ilang beses nilang pagsubok na bumuo ng baby ay napag desisyunan na nilang magpa-surrogate.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter