fbpx
Search
Close this search box.

1kg cocaine nakuha sa dagat sa Rizal, Palawan

by RepublicAsia

Isang package na may laman na 1.1 kg na high-grade cocaine ang nakitang palutang-lutang sa West Philippine Sea malapit sa Barangay Tabori at Latud sa bayan ng Rizal, Palawan.

Ayon sa chief of police ng Rizal na si Police Major Starky Timbancaya, isang mangingisda ang nakakita sa package, kasama ng mga basura at mga kagamitang pandagat. 

Hinala ng mga otoridad maaaring napahiwalay ito sa isang mas malaking container o kaya ay nasira ang pinaglalagyan nito noong kasagsagan ng masamang panahon.

Base sa pagsusuri  ng PNP provincial crime lab, high-grade daw ang quality ng cocaine.

Kung ibebenta sa black market ang 1 kilo ng high grade cocaine, maaaring umabot ang halaga nito sa P7 milyon.

Nakipag-coordinate na ang Municipal Police Station ng Rizal sa kanilang “force multiplier” o mga volunteer sa bawat barangay para mai-check ang mga shoreline kung may kaparehas na package na lumulutang din sa bahagi ng kanilang karagatan.

Bahagi ng panayam kay Police Major Starky Timbancaya bago lumabas ang resulta ng PNP crime lab:

“Noong makita namin alam na namin na posibleng ito cocaine yong nasa package… dahil nga doon sa kanyang appearance a sa iba pang pwedeng pagkilanlan ay nagduda na kami. 

“Pwedeng nasira o napadpad ito during kalakasan ng bagyo or ng alon o noong masungit ang panahon nitong halos ilang araw na.

“Wala talaga syang tatak at wala kaming pagbasehan maliban sa mga basura, nagtatanong kami, nag-iimbestiga kami. 

“Pwedeng ito ay napahiwalay or nangyaring may transakyon ang grupo ay pwedeng nasira ang kanilang pinaglagyan, baka pwedeng nahampas sa mga bahura or during the abutan ay nasira kasi usually kapag may ganyang transaksyon ay dina-dump lang nila mayroon lang GPS, pipick-upi lang ng kanilang tao kaya lang baka napatapat na sumama ang panahon kaya nagkaproblema.”

Photos courtesy: MPS Rizal, Palawan

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter